True ba? Sylvia Sanchez, target ang pagka-mayor ng Quezon City sa Eleksyon 2028?
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-02-09 23:02:38
Kumakalat ngayon ang mainit na chika sa showbiz at politika: handa na raw bang sumabak sa pulitika ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez—at diretso pang mayor ng Quezon City sa Eleksyon 2028?
Pero ayon mismo kay Sylvia, laking gulat niya sa isyung biglang lumutang.
“Paano ako magme-mayor ng QC, e hindi nga ako naging kagawad?” diretsahang sagot ng aktres nang makapanayam ng media sa contract signing ng Nathan Studios noong February 3.
Giit pa ng ina ni Cong. Arjo Atayde, wala siyang ideya kung saan nanggagaling ang naturang balita. Aniya, kung sakaling papasok man siya sa pulitika, magsisimula raw siya sa mababang posisyon—hindi agad mayor.
“Hindi nga ako nag-SK. Kagawad, kapitan muna, di ba? Bago mag-mayor,” dagdag pa niya.
Sa halip na pulitika, mas malinaw umano ngayon ang “calling” ni Sylvia—ang patuloy na pagtulong sa persons with Down syndrome, lalo na matapos ang tagumpay ng pelikulang “I’mPerfect”, na nanalong Best Picture sa MMFF 2025.
Ibinahagi ng beteranang aktres na habang ginagawa ang pelikula mula October 2024 hanggang August 2025, doon niya mas naramdaman na may mas malalim siyang misyon.
“Akala ko politics ang calling ko, hindi pala. Ito pala,” emosyonal niyang pahayag.
Dagdag pa niya, pakiramdam daw niya ay may dahilan kung bakit nalampasan niya ang ilang pagsubok sa kalusugan—at iyon ay para ipagpatuloy ang adbokasiya para sa mga batang may Down syndrome.
Sa ngayon, tuloy-tuloy pa rin ang kanilang mga block screening, festival entries, at mga proyekto—patunay na hindi pa pulitika ang priority ng aktres.
Kung dumating ang panahon na tawagin siya ng publiko…
Magbabago kaya ang isip ni Sylvia Sanchez?
Pulitika nga ba ang susunod niyang yugto—or mananatili siyang “ina” ng mga batang minsang hindi napapansin ng lipunan?
