Diskurso PH
Translate the website into your language:

'Biglaang Layas!' Chappell Roan iniwan ang talent agency—may kinalaman ba sa ‘Epstein files’?

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-02-10 22:43:58 'Biglaang Layas!' Chappell Roan iniwan ang talent agency—may kinalaman ba sa ‘Epstein files’?

Usap-usapan ngayon sa Hollywood at music industry ang biglaang desisyon ni Grammy-winning singer Chappell Roan na kumalas sa kanyang talent agency—at hindi ito basta career move lang.

Bakit nga ba biglang umalis ang 27-anyos na singer sa Wasserman, isa sa pinakamalalaking talent agencies sa Amerika? 
May kinalaman kaya ito sa kontrobersiyang muling binuhay ng tinaguriang “Epstein files”?

Ayon sa ulat, napilitan ang US Department of Justice na ilabas ang mga dokumentong may kaugnayan sa yumaong financier at convicted sex offender na si Jeffrey Epstein, matapos maipasa ang Epstein Files Transparency Act. At dito na nga nadawit ang pangalan ng CEO ng Wasserman na si Casey Wasserman.

Hindi man diretsahang binanggit ni Chappell Roan si Epstein o ang mga dokumento, malinaw ang mensahe ng singer sa kanyang Instagram post.

“No artist, agent or employee should be expected to defend or overlook actions that conflict so deeply with our own moral values.”

Matapang. Tahimik. Pero ramdam ang bigat.
Ibig bang sabihin nito’y may alam siyang mas malalim? O sapat na sa kanya ang prinsipyo kaysa manatili sa isang powerful agency?

Dagdag pa ni Roan, deserve ng mga artista ang representasyong ka-align ng kanilang values, at para sa kanya, ang tunay na pagbabago sa industriya ay nagsisimula sa accountability at lideratong mapagkakatiwalaan.

Sa kabila nito, wala pang direktang akusasyon laban kay Casey Wasserman. Aminado lamang siya na nagkaroon umano siya ng mga flirty at sexually suggestive emails kay Ghislaine Maxwell noong 2003—ang parehong babae na kalauna’y nahatulang makulong dahil sa papel niya sa pang-aabuso at trafficking ng mga menor de edad kasama si Epstein.

Sapat na ba ang “walang kaso” para manatili ang tiwala?
May iba pa kayang artistang susunod sa yapak ni Chappell Roan?
At paano maaapektuhan nito ang imahe ng Wasserman, lalo na’t si Casey ang chairman ng 2028 Los Angeles Olympics?

At sa mundong pinaghaharian ng kapangyarihan at koneksyon…
gaano kahalaga pa rin ang paninindigan?