Binasura o bumitaw? Miss Universe PH Benguet 2026 Cristeta Longey nag-resign sa gitna ng ‘iregularidad’
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-02-10 22:24:41
Nagulat ang pageant world matapos kumpirmahin ni Miss Universe Philippines Benguet 2026 Cristeta Longey na tuluyan na siyang nag-resign sa kanyang titulo. Pero ang tanong ng marami: simpleng hindi pagkakaunawaan lang ba ito, o may mas seryosong isyung tinatago sa likod ng korona?
Ayon kay Cristeta, hindi na raw siya rarampa at lalaban pa sa national pageant matapos umano niyang madiskubre ang ilang “iregularidad” sa loob mismo ng Miss Universe Philippines Benguet organization. Ano raw ang mga ito—at bakit ngayon lang lumabas?
Sa kanyang rebelasyon, ibinunyag ng beauty queen na nalaman niyang may plano na raw ang organisasyon na maghanap ng kapalit niya—nang hindi man lang siya iniinform. Normal ba ito sa mundo ng pageantry, o malinaw na pagtalikod na sa reigning titleholder?
Mas lalong uminit ang usapan nang sabihin ni Cristeta na siya raw ay inaakusahan ng “utter disloyalty.” Ang kasalanan niya? Ang pagsasalita umano tungkol sa mga internal issues, kabilang na ang cash prizes.
May itinatago bang sistema na ayaw mabunyag?
Bawal na bang magtanong kapag beauty queen ka?
Sa kanyang Instagram post, ikinuwento ni Cristeta na agad siyang nag-training matapos makuha ang titulo noong Oktubre 2025—mula fittings hanggang photoshoots. Kaya naman lalo raw siyang nasaktan nang pagsapit ng Enero 2026, bigla na lang siyang sabihan ng organisasyon na hindi na nila kayang i-fully support ang kanyang pageant journey.
Dalawang opsyon daw ang ibinigay sa kanya:
I-extend ang reign hanggang 2027 kapalit ng full support, o
Lumaban ngayong taon—pero walang suporta.
Sa huli, pinili raw ni Cristeta na maghintay muna. Pero doon na raw nagsimula ang mas malaking problema.
Nagkaroon pa umano ng usapan para sa isang joint statement, ngunit nang mabasa niya ito, “vague” raw at hindi repleksyon ng kanyang realidad bilang titleholder.
May tinatakpan ba ang statement?
Sino ang mas pinapaboran sa kwento?
Habang tumatagal, ayon kay Cristeta, nauwi na lang sa katahimikan at malabong pangako ang lahat ng follow-ups. “Weeks turned into months,” ani niya—isang sitwasyong nag-iwan sa kanya ng pakiramdam na binabalewala at binabawasan ang kanyang halaga bilang reyna.
Sa kabila ng lahat, nanindigan ang beauty queen sa kanyang desisyon:
“Sometimes, choosing yourself means holding your ground and stepping back when the process no longer aligns with the values you started with.”
Nagpasalamat din siya sa kanyang supporters at nilinaw na hindi ito ang katapusan ng kanyang journey, kundi isang pause para mag-realign.
May susunod pa bang rebelasyon si Cristeta?
Magsasalita rin kaya ang Miss Universe Philippines Organization para linawin ang mga paratang?
At ilang beauty queens pa kaya ang may kaparehong karanasan pero nanahimik na lang?
