Ken Chan, pauwi na raw ng Pilipinas matapos ang matagal na pananahimik — handa na ba siyang harapin ang lahat?
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-02-11 18:58:06
Matapos ang halos dalawang taong pagkawala sa mata ng publiko, muling pinag-uusapan sa showbiz circles ang pangalan ni Ken Chan. Ayon sa impormasyong nakarating sa Cabinet Files, nalalapit na raw ang pagbabalik ng Kapuso actor sa Pilipinas ngayong 2026—isang balitang agad umani ng samu’t saring reaksyon at espekulasyon.
Bakit ngayon? At ano ang naghihintay sa kanya paglapag niya sa bansa?
Huling nakita si Ken sa publiko noong Hulyo 20, 2024, sa ginanap na GMA Gala sa Manila Marriott Hotel. Ilang buwan lamang ang lumipas, bigla siyang nawala sa eksena matapos sampahan ng syndicated estafa case, isang non-bailable offense na may parusang habambuhay na pagkakakulong kapag napatunayang nagkasala.
Hindi nagtagal, warrant of arrest ang inilabas laban sa aktor noong Nobyembre 2024. Ngunit nang subukang ihain ito sa kanyang bahay sa Quezon City, wala na siya roon. Umiwas lang ba siya, o may mas malalim na dahilan kung bakit bigla siyang naglaho?
Sa mga sumunod na buwan, may mga ulat na nakita raw si Ken sa Taiwan at Thailand. Walang opisyal na kumpirmasyon, pero sapat iyon para lalong painitin ang tanong ng publiko: nagtatago ba siya, o sadyang lumayo muna para umiwas sa gulo?
Sa gitna ng kontrobersiya, nananatiling palaisipan ang PHP14-million restaurant investment scandal na sinasabing ugat ng lahat. Ayon sa mga investor, hindi umano tinupad ni Ken ang napagkasunduang hatian ng kita. Pero ayon mismo sa aktor, hindi raw siya nanloko at nalugi ang negosyo dahil sa umano’y mga business partners na sinadyang pabagsakin ang kumpanya.
Kung ganoon, nasaan ang sinasabing katotohanan?
Bakit hanggang ngayon ay wala pa ring inilalabas na malinaw na paliwanag o ebidensya?
At ano ang pumipigil sa kanya para tuluyang magsalita?
Habang lumalalim ang mga tanong, nanatiling halos tahimik si Ken sa social media. Sarado ang comments sa kanyang Instagram account, at isang pagpapalit lamang ng Facebook cover photo noong Abril 2025 ang huli niyang naging galaw online.
Kung wala siyang itinatago, bakit tila iniiwasan niya ang opinyon ng publiko?
At kung handa na siyang bumalik, handa na rin ba siyang harapin ang reaksyon ng netizens at ng korte?
Ngayon, sa balitang muli siyang uuwi ng bansa, mas lalong tumitindi ang usap-usapan: Magpapaliwanag na ba siya sa wakas? Haharap ba siya sa kaso? At higit sa lahat, may babalikan pa ba siyang career sa showbiz matapos ang lahat ng ito?
