Diskurso PH
Translate the website into your language:

BINI Gwen and VXON Patrick, Timbog! este spotted sa KzxTj concert, sila na ba?

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-02-12 11:12:18 BINI Gwen and VXON Patrick, Timbog! este spotted sa KzxTj concert, sila na ba?

Uminit ang chismis sa mundo ng P-pop matapos mapansin ng mga fans ang tila extra closeness nina BINI Gwen Apuli at VXON Patrick Rocamora sa “In Between” concert ng real-life couple na sina KZ Tandingan at TJ Monterde.

Nagkataon lang ba ang kanilang pagkatabi… o may mas malalim na dahilan kung bakit sila magkasamang nanood?

Sa isang video na mabilis kumalat sa social media, makikitang magkatabi sina Gwen at Patrick sa audience. Kasama rin nila si BINI Colet Vergara, pero aminado ang netizens—ibang klase raw ang aura ng dalawa. May kilig ba talaga, o malikot lang ang mata ng fans?

Mas lalong umingay ang usapan matapos i-post ng Kapamilya Online World ang isang comic strip pubmat na tila may pinahihiwatig. Dito, pabirong binati ni KZ ang katabi ni Gwen habang nasa stage.

“May katabi si BINI Gwen, o. Ang pogi,” ani KZ.
“VXON Patrick,” sabay singit naman ni TJ.

Coincidence lang ba ang banggit… o may alam ang dalawa na hindi pa natin alam? 

Hindi pa doon nagtapos ang panunukso dahil narinig pa ang masayang hirit ni KZ:

“Hoy, VXON Patrick! Ang ganda ng katabi mo.”

Kung wala lang ‘yon, bakit parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin sa audience? At bakit mas lalong nagliyab ang comment section?

Dahil dito, hindi napigilan ng ilang netizens na mag-assume na baka nga may namumuong espesyal na ugnayan sa pagitan ng dalawang Kapamilya artists. May mga kinilig, may nag-alala, at may todo-bantay sa bawat galaw nila online.

Ilan sa mga reaksyon ng netizens:

“Aba, lumalovelife na rin ang HamBebe BINI Gwen?”

“Bagay ah. Parehas mukhang matino.”

“Ok lang yan, supportive naman sila sa isa’t isa.”

Pero siyempre, hindi mawawala ang mas matitinding komento—may mga napa-overthink, may napa-side comment, at may napa-tanong: handang-handa na ba ang fans kung sakaling may totohanan na?

Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon mula kina Gwen at Patrick. Tahimik pa rin ang dalawang kampo. Pero sa dami ng sightings, biro, at makahulugang ngiti…

Asaran lang ba talaga ‘to?
O unti-unti nang nagiging totoo ang chika?
At kung sakali… ready na ba ang BINI at VXON fandoms sa rebelasyong ‘yan?