Lust lang ba? Zayn Malik, may pasabog na pahayag tungkol sa relasyon kay Gigi Hadid
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-02-13 16:48:28
Marami ang napa-“ha?!” matapos muling pag-usapan ni Zayn Malik ang kanyang nakaraan kay supermodel Gigi Hadid—at hindi ito basta-bastang chika lang.
Sa isang tell-all interview sa Call Her Daddy noong February 11, diretsahang inamin ni Zayn na hindi raw siya sigurado kung minahal niya talaga si Gigi noong sila pa.
Wait—talaga bang hindi love, kahit may anak sila?
Ayon kay Zayn, habang tumatanda raw siya, mas nag-iiba ang tingin niya sa konsepto ng pagmamahal.
“At that moment in time, I might have thought it was love… but as I got older, I realized maybe it wasn’t.”
So ang tanong ng bayan: Kung hindi love, ano ‘yon—lust? attachment? convenience?
Pero teka, hindi rin naman niya tuluyang itinanggi ang damdamin niya. Nilinaw ng dating miyembro ng One Direction na mahal pa rin niya si Gigi—lalo na dahil ito ang ina ng kanilang limang taong gulang na anak na si Khai.
“I will always love her… but I don’t know if I was ever in love with her.”
Possible bang mahal mo ang isang tao, pero hindi ka “in love” sa kanya?
At kung talagang in love ka raw, dapat ba automatic na nagiging mas mabuting bersyon ka ng sarili mo?
Mas naging usap-usapan pa nang sabihin ni Zayn na kung talagang in love raw siya noon, baka mas inayos niya ang sarili niya.
“Otherwise, I would’ve been a better version of myself.”
Ouch. Parinig ba ‘yan sa sarili niya—or sa relasyon nila?
Matatandaang nagsimula ang on-and-off romance nina Zayn at Gigi noong 2015 at tuluyang natapos noong 2021. Sa kabila ng breakup, maayos pa rin daw ang kanilang co-parenting. Pero ngayon na single si Zayn, inamin niyang masaya siya sa kalayaan.
“It was freeing… I run on my own clock.”
So ibig bang sabihin nito na mas masaya siya mag-isa kaysa may ka-relasyon?
At kung may darating mang bago, malinaw ang kanyang kondisyon: seryoso at posibleng kasalan muna bago ipakilala sa anak.
Samantala, si Gigi ay masaya na rin ngayon at napapabalitang may relasyon na sa actor na Bradley Cooper.
Awkward kaya ‘to para kay Zayn—or totally moved on na talaga siya?
Habang umiinit ang usapan tungkol sa kanyang love life, busy rin si Zayn sa kanyang career. Ilalabas niya ang bagong album na Konnakol sa April 17, at nakatakda na rin ang una niyang arena at stadium tour ngayong Mayo.
Ikaw, anong take mo?
Pwede bang hindi “in love” pero may respeto at pagmamahal pa rin?
O ito na ba ang pinaka-honest breakup realization na narinig natin mula sa isang celebrity?
