Diskurso PH
Translate the website into your language:

Nasaan na ang Enciso Sisters?

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-02-27 23:58:14 Nasaan na ang Enciso Sisters?

Anyare na? ‘Yan ang tanong ng mga netizens at chismosa (este, concerned followers) matapos mapansin ang mahigit anim na buwang "radio silence" ng magkapatid na Vern at Verniece Enciso. Mula sa pagiging "staple" sa ating mga feeds dahil sa kanilang ultra-glamorous travels, Chanel hauls, at mala-fairy tale na weddings, biglang naging ghost town ang kanilang Instagram at YouTube accounts. Ang dating punong-puno ng OOTD at aesthetic flat lays, tila pinabayaan na sa ere.

Matatandaang naging sentro ng usap-usapan ang magkapatid noong nakaraang taon nang muling makalkal ng mga "internet detectives" ang kanilang family background. Usap-usapan sa Reddit at X ang naging koneksyon ng kanilang lifestyle sa trabaho ng kanilang ama sa Bureau of Customs (BOC). Matapos ang sunod-sunod na pambabash at pagkuwestiyon sa kanilang yaman, napansin ng mga Marites na biglang nag-private ng YouTube channel ang magkapatid at wala nang kahit anong updates sa kanilang IG feeds simula pa noong huling bahagi ng 2025.

Habang ang ibang influencers ay mabilis mag-release ng "Apology Video" o "Mental Health Break" statement, ang Enciso sisters ay piniling manahimik nang tuluyan—isang hakbang na bihira sa mga taong ang kabuhayan ay nakabase sa atensyon ng publiko. Strategiya ba ito para hintaying humupa ang isyu at lumamig ang ulo ng mga kritiko, o ito na ba ang tuluyang katapusan ng kanilang "Influencer Era"? May mga bali-balita ring ilang "blogger besties" nila ang tila nag-unfollow na para umiwas sa "bad PR," na lalong nagpaigting sa espekulasyon na may malalim na dahilan ang kanilang pagkawala.

The Great Escape? Sa tingin niyo ba ay nasa bansa pa ang magkapatid, o baka nag-aabroad muna sila para umiwas sa "init" ng mga katanungan tungkol sa kanilang pamilya?

BFFs No More? Napansin niyo rin ba kung sinu-sino sa mga dati nilang "high-end friends" ang biglang nawala sa picture? Sino kaya ang nanatiling loyal at sino ang mga "friend-weather" lang?

Kung sakaling mag-post uli sila bukas na parang walang nangyari (at naka-off ang comments), tatanggapin pa rin ba sila ng Pinoy netizens o blocked na sila sa puso niyo?

Legit o Hindi? Naniniwala ba kayo na puro "hard work" at "blogging" lang talaga ang lahat ng designer bags at properties na 'yan, o may katotohanan ang mga "resibo" na kumakalat online?