WHAT TO WATCH: Liza Soberano, bagong 'Face of DreamWorks'? Silipin ang unang trailer ng 'Forgotten Island'!
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-03-26 14:34:09
Isa na namang milestone ang naabot ni Liza Soberano matapos siyang opisyal na maging lead voice star sa DreamWorks animated film na Forgotten Island. Gaganap siya bilang si Raissa, isang karakter na mapupunta sa misteryosong mundo ng Nakali—isang lupain na puno ng mga nilalang mula sa kuwentong-bayan ng Pilipinas. Pero tanong ng marami: ito na nga ba ang proyektong magtutulak kay Liza tuluyang makilala sa Hollywood?
Makakasama rin niya sa proyekto ang Grammy-winning singer na H.E.R., na magbibigay-boses naman saa kanyang best friend na si Jo. Ayon sa mga unang detalye, iikot ang kuwento sa kanilang paglalakbay sa isang mundong hitik sa Filipino mythology. Pero curious ang fans—gaano kalaki ang magiging impact ng pelikula sa global audience, at makaka-relate kaya ang international viewers sa kwentong Pinoy?
Hindi rin basta-basta ang lineup ng mga Pinoy talents na kasama sa pelikula. Tampok sina Lea Salonga, Dolly de Leon, Manny Jacinto, at Jo Koy—mga artistang may kanya-kanyang marka na sa international scene. Pero ang tanong: sapat ba ang star power na ito para tuluyang maipakilala ang Filipino storytelling sa mainstream global market?
Habang patuloy ang pag-usbong ng Filipino representation sa international entertainment industry, hindi maiwasang umusbong ang mas malalim na tanong—ito na ba ang simula ng mas malawak na pagbubukas ng pinto para sa mga Pilipinong talento? At para kay Liza, ito na nga ba ang proyektong magpapatibay sa kanyang pangalan bilang isang global star?
