Hustisya para kay Celeste! Cause of death ng 14-year-old na biktima umano ng singer na si D4vd, inilabas na
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-04-23 14:53:04
Nakakanginig ng laman, mga ka-Marites! Sa wakas, lumabas na ang resulta ng autopsy report ni Celeste Rivas Hernandez, ang batang natagpuan sa loob mismo ng trunk ng sasakyan ng sikat na TikTok star at musician na si D4vd (David Burke). Matapos ang mahabang panahon ng pagtatago ng mga awtoridad sa detalye, sumabog na ang katotohanan: namatay ang bata dahil sa "multiple penetrating injuries" sa kanyang katawan.
Ano nga ba ang eksaktong ginamit na armas para magtamo ang biktima ng ganitong klaseng sugat sa kanyang torso?
Ayon sa ulat mula sa Los Angeles medical examiners, hindi lang basta sugat ang tinamo ng bata. Natuklasan din na sumailalim sa dismembered o pagkakaputol-putol ang mga braso at binti nito. Bagama’t hindi pa matukoy kung anong bagay ang ginamit, malinaw na "sharp force injuries" ang dahilo ng mga sugat sa katawan. Sa sobrang tagal bago natagpuan ang labi, hirap na rin ang mga eksperto na matukoy ang exact time of death dahil sa "extensive postmortem changes" o pagkabulok ng katawan.
Nakakalungkot isipin, gaano kaya katagal nagdusa ang kawawang bata bago siya tuluyang pumanaw at itinago sa trunk ng Tesla?
Matatandaang Septyembre pa noong nakaraang taon nang madiskubre ang bangkay ni Celeste sa trunk ng sasakyang nakapangalan kay D4vd sa Hollywood. Ang biktima ay nawala pa noong April 2025 matapos umanong bumisita sa bahay ng singer sa Hollywood Hills. Si D4vd, na nakilala sa mga viral hits gaya ng "Romantic Homicide," ay naghain naman ng "not guilty" plea nitong Lunes sa kasong first-degree murder.
Kung talagang walang kinalaman ang singer, paanong napunta sa loob ng kanyang rehistradong sasakyan ang isang naaagnas na bangkay?
Sa kabila ng mga mabibigat na ebidensyang ito, naninindigan ang kampo ng depensa sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Blair Berk na hindi si David Burke ang pumatay kay Celeste. Giit nila, lalabas din ang katotohanan na wala siyang kinalaman sa naging sanhi ng pagkamatay ng bata. Sa ngayon, nakakulong pa rin ang singer habang nagpapatuloy ang pag-usad ng kaso sa Amerika.
Makalusot kaya ang kampo ni D4vd sa gitna ng ganito kagimbal-gimbal na rebelasyon, o ito na ang katapusan ng kanyang career at kalayaan?
