Diskurso PH
Translate the website into your language:

Ama ni Small Laude na kilala bilang 'Daddeh', pumanaw na

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-01-31 12:04:13 Ama ni Small Laude na kilala bilang 'Daddeh', pumanaw na

Manila, Enero 30, 2025 – Malungkot na ibinalita ni Small Laude, isang kilalang socialite at vlogger, ang pagpanaw ng kanyang ama, si Andres Eduardo. Si Andres Eduardo ay pumanaw sa edad na 85 noong Enero 29, 2025, sa kanilang tahanan sa Maynila. Ang pamilya Eduardo ay kilala sa kanilang matagumpay na negosyo sa garments export, rice milling, at rice trading

Sa isang emosyonal na post sa kanyang social media accounts, makikitang nakayakap si Small sa kanyang ama sa ospital. May caption ito na,"OMY GOD... I cant believe you're gone. I'm so heartbroken. Rest well, Daddeh."

Madalas tinatampok ni Small ang kanyang ama sa kanyang mga blogs. 

Bukod sa kanyang propesyon bilang dentista, ang pamilya ni Andres Eduardo ay kilala rin sa kanilang matagumpay na negosyo sa garments export, rice milling, at rice trading.

Si Small Laude, na ang tunay na pangalan ay Marissa Eduardo, ay isang kilalang YouTuber, content creator, at entrepreneur mula sa Pilipinas. Ipinanganak siya noong Hunyo 17, 1968, at kasalukuyang 56 taong gulang.

Kilala siya sa kanyang mga vlogs na nagpapakita ng kanyang marangyang pamumuhay sa Maynila at Los Angeles, na nagbigay sa kanya ng higit sa 2.4 milyong subscribers sa YouTube

Siya ay kasal kay Philip Laude, isang kilalang negosyante at producer, at sila ay may apat na anak na sina Christopher, Michael, Timothy, at Allison.

Ang mga detalye ng burol at libing ay iaanunsyo sa mga susunod na araw. 

(Larawan mula sa FB page ni Small Laude)