Diskurso PH
Translate the website into your language:

PBBM, tiniyak na bukas ang Pilipinas sa mga dayuhang investors

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-10-31 23:28:53 PBBM, tiniyak na bukas ang Pilipinas sa mga dayuhang investors

MANILA, Philippines — Muling tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bukas ang Pilipinas sa mga dayuhang mamumuhunan at sa mas malawak na pakikipagkalakalan sa iba’t ibang bansa, sa layuning palakasin ang ekonomiya at lumikha ng mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino.

Sa kanyang talumpati sa isang business forum na dinaluhan ng mga international investors, binigyang-diin ng Pangulo na handang makipagtulungan ang bansa sa mga negosyanteng nagnanais maglagak ng puhunan.

“The Philippines is open, ready, and eager to do business with all of you,” pahayag ni Marcos, sabay bigyang-diin ang pangako ng gobyerno na maging mapagkakatiwalaang katuwang sa negosyo.

Ipinunto ng Pangulo na patuloy na isinusulong ng kanyang administrasyon ang mga repormang magpapagaan sa proseso ng pagnenegosyo sa bansa. Kabilang dito ang digitalization ng mga transaksyon, pagpapalakas ng public-private partnerships (PPP), at mga programang tutok sa imprastraktura at renewable energy upang mas mapatatag ang ekonomiyang Pilipino.

Dagdag pa ni Marcos, nananatiling mataas ang kumpiyansa ng pamahalaan na mas marami pang investors ang mamumuhunan sa bansa sa mga susunod na taon, kasabay ng pagpapatuloy ng mga reporma tungo sa mas inklusibo at modernong ekonomiya. (Larawan: Bongbong Marcos / Facebook)