Diskurso PH
Translate the website into your language:

Palarong Quezon 2025, Opisyal nang Binuksan sa Bayan ng Lucban!

Systems AdministratorIpinost noong 2025-01-17 11:29:27 Palarong Quezon 2025, Opisyal nang Binuksan sa Bayan ng Lucban!

Noong Lunes, ika-13 ng Enero 2025, ay isang makasaysayang araw para sa ating bayan ng Lucban, Quezon. Opisyal nang binuksan ang Palarong Quezon 2025 sa pamamagitan ng isang makulay at masayang pagdiriwang na dinaluhan ng mga delegado mula sa iba’t ibang bayan ng Quezon.

Ang selebrasyon ay nagbigay-diin sa husay, lakas, at diwa ng pagkakaisa ng mga kababayan sa larangan ng palakasan. Sa ilalim ng temang "Lakas, Talento, at Pagkakaisa ng Quezonian," layunin ng Palarong Quezon na hindi lamang magsilbing entablado para makita ang kani-kanilang mga talento sa larangan ng sports, kundi maging isang daan din ito upang palakasin ang ugnayan at pagkakaibigan ng bawat isa.

Lubos ang pasasalamat ng pamahalaang bayan ng Lucban sa tiwalang ibinigay upang maging host ng ganitong kaganapan. Ang buong komunidad ay nagkaisa upang tiyaking magiging matagumpay ang Palarong Quezon 2025.

Ayon kay Mayor Agustin "Tenten" Villaverde, “Ang Lucban ay lubos na nagpapasalamat sa pagkakataong maging host ng ganitong makasaysayang kaganapan na naglalayong itaguyod ang sportsmanship, camaraderie, at talento ng bawat Quezonian.”

Ang Palarong Quezon 2025 ay magtatampok ng iba’t ibang paligsahan mula sa basketball, volleyball, athletics, swimming, at iba pang larangan ng sports na magpapamalas ng husay at talento ng mga atleta mula sa iba’t ibang bayan.

Larawan, sa kandahang loob ni Mayor Agustin "Tenten" Villaverde