Mga Tagahanga ng Toronto Raptors Sumigaw ng “Boo!” ng Patugtugin and Pambansang Awit ng U.S. Bilang Protesta kay Donald Trump
Ipinost noong 2025-02-05 09:47:59
Sa isang laro ng NBA noong Linggo sa pagitan ng Toronto Raptors at Los Angeles Clippers, sumisigaw ng boo ang mga tagahanga mula sa Canada ng tumugtog and pambansang awit ng Amerika bilang reaksiyon sa anunsyo ni Donald Trump tungkol sa mga taripa laban sa Canada.
Ang laro ay ginanap sa Scotiabank Arena sa Toronto, kung saan isang 15-taong-gulang na batang babae ang kumanta ng "The Star-Spangled Banner."
Habang siya ay kumakanta, narinig ang mga boo mula sa mga tao sa crowd. Matapos ang kanyang pagtatanghal, naghalo ang mga reaksyon ng audience, mayroong parehong boo at palakpakan. Gayunpaman, nang tumugtog ang pambansang awit ng Canada, ang crowd ay sumabog sa malalakas na palakpakan.
Ito ay katulad sa mga insidente na nangyari sa mga laro ng NHL sa buong Canada noong weekend.
Sa laban noong Sabado sa pagitan ng Minnesota Wild at Ottawa Senators, narinig ang mga boo mula sa mga tagahanga habang tinutugtog ang pambansang awit ng U.S., na mas lalong lumakas patapos ng kanta. Samantalang ang pambansang awit ng Canada na sumunod ay tinanggap ng malalakas na palakpakan, katulad ng nangyari sa laro ng Raptors.
Ang galit na ito ay kasunod ng anunsyo ni Donald Trump tungkol sa mga bagong taripa laban sa Mexico, Canada, at China, na nilagdaan niya sa kanyang Mar-a-Lago club noong Sabado. Ang administrasyon ay nagsasabing ang mga taripang ito ay layuning labanan ang trafficking ng droga at iligal na imigrasyon, ngunit maaari rin itong magdulot ng pagtaas ng presyo para sa mga mamimili sa Amerika.
Ilang oras pagkatapos ng anunsyo ni Trump, tumugon si Prime Minister Justin Trudeau sa pamamagitan ng pagpapataw ng 25% na mga taripa sa mga kalakal mula sa U.S., na nagsabing ang mga ito ay "malawakang makakaapekto at isasama ang mga pang-araw-araw na bagay." Pinatibay nito ang kanyang pangako na agad at malakas na tutugon ang Canada sa anumang mga taripa mula sa U.S. Nakipagpulong ang mga kinatawan ng kalakalan ng Canada sa mga opisyal ng administrasyon ni Trump noong Biyernes sa isang pagsubok na pigilan ang mga taripa.
Si Raptors forward Chris Boucher, isang mamamayan ng Canada, ay nagsabi na hindi pa siya nakakaranas ng ganitong klaseng booing na narinig niya bago ang laro.
Matapos ang panalo ng Raptors na 115-108 laban sa Clippers, pinili ni Toronto head coach Darko Rajaković na huwag magbigay ng pahayag ukol sa mga boo ng crowd.
Si Clippers coach Tyronn Lue naman ay umiiwas ding pag-usapan ang booing, ngunit binanggit na siya ay kumanta ng pambansang awit ng Canada dahil "gusto niya ang kantang iyon."
