Maxi Kleber posibleng maglaro sa Lakers bago matapos ang NBA Season
Ipinost noong 2025-03-03 15:10:57
LOS ANGELES, Marso 3, 2025 – Mukhang may bagong pampalakas ang LA Lakers! Ayon sa mga ulat, malapit nang makabalik si former Dallas Mavericks forward Maxi Kleber bago matapos ang regular season. Noong una, inakala na matagal siyang mawawala matapos magtamo ng fractured foot noong late January, pero mas mabilis yata ang kanyang recovery kaysa inaasahan.
Ayon kay Jovan Buha ng The Athletic, may lumalaking optimism sa loob ng Lakers organization na makakabalik si Kleber bago magsimula ang playoffs. Kasama siya sa trade na nagpadala kay Anthony Davis sa Dallas, kung saan naging bahagi rin sina Luka Doncic, Max Christie, at iba pang assets. Bagama’t kinuha lang siya para mag-match ng salaries, posibleng maging mahalagang piraso siya para sa Lakers kung makakabalik siya sa laro.
Kailangan talaga ng Lakers ng dagdag na depth sa frontcourt mula nang mawala si Davis. Kahit na kinuha nila si Alex Len para palakasin ang kanilang big-man rotation, si Jaxson Hayes lang ang consistent na gumagawa sa paint. Kahit hindi naging maganda ang season ni Kleber sa Mavericks—averaging lang ng 3.0 points at 2.8 rebounds per game—napatunayan niya sa mga nakaraang taon na kaya niyang maging solid defender at floor spacer kapag nasa tamang kondisyon. Ang kanyang career three-point shooting percentage na 35.8% ay indikasyon na kung babalik siya sa porma, makakatulong siya nang malaki mula sa bench.
Sa ilalim ni head coach JJ Redick, isa ang Lakers sa pinakamainit na teams ngayon sa NBA, panalo sa 17 sa kanilang huling 21 games. Malapit na rin nilang makuha ang second seed sa Western Conference, at may malaking laban sila kontra LA Clippers sa paparating na schedule. Kung makakabalik si Kleber, mas lalo nilang mapapatibay ang tsansa nilang umabot nang malalim sa playoffs.
Wala pang opisyal na timetable para sa kanyang pagbabalik, pero mukhang malapit na ito—isang magandang balita para sa Lakers sa kanilang laban para sa NBA title!
Larawan: NBA
