Diskurso PH
Translate the website into your language:

Emma Raducanu Nagkwento Tungkol sa Nakakastress na Karanasan sa Dubai Tennis Championships

Ipinost noong 2025-03-06 13:20:37 Emma Raducanu Nagkwento Tungkol sa Nakakastress na Karanasan sa Dubai Tennis Championships

Dubai, UAE, March 6, 2025 – British tennis star Emma Raducanu nagkwento tungkol sa nakakastress na experience niya sa Dubai Tennis Championships. Ibinahagi niya na halos hindi niya makita ang bola dahil sa luha, matapos niyang mapansin ang isang lalaki sa audience na tinawag ng WTA na “fixated” o masyadong nakatutok sa kanya. 

Si Raducanu, 22, ay naglalaro sa second round laban kay Karolína Muchová mula Czech Republic nang makita niya ang lalaki sa unang bahagi ng laban. Dahil sa sobrang pagkagulat at kaba, napaatras siya sa umpire’s chair para magpahinga at makapag-compose ng sarili. 

“I saw him in the first game of the match and I was like, ‘I don’t know how I’m going to finish,’” kwento ni Raducanu sa reporters sa California bago ang kanyang laban sa Indian Wells tournament. “I literally couldn’t see the ball through tears. I could barely breathe.” 

Kahit na naapektuhan siya emotionally, pinilit ni Raducanu na maglaro at naipwersa pa ang first set sa tie-break. Pero sa huli, natalo siya sa straight sets. Matapos ang laban, inamin niyang napaiyak siya, hindi lang dahil sa pagkatalo kundi dahil na rin sa bigat ng sitwasyon. 

“There was just so much emotion in the last few weeks of the events happening, and I just needed that week off to take a breather and come here. I feel a lot better,” ani Raducanu. 

Agad namang umaksyon ang mga awtoridad sa Dubai at naglabas ng restraining order laban sa lalaki, sabay ban sa kanya sa mga future tournaments. Kinumpirma ng Women’s Tennis Association (WTA) na ang lalaki ay may “fixated behavior” at agad na pinaalis sa venue. Ayon sa WTA, prayoridad nila ang seguridad ng mga players. 

“The WTA is actively working with Emma and her team to ensure her well-being and provide any necessary support,” ayon sa statement ng WTA. 

Matapos ang isang linggong pahinga at pag-recover, handa na si Raducanu na bumalik sa court sa Indian Wells. Sasalang siya sa kanyang first match laban kay Moyuka Uchijima ng Japan sa Huwebes. Posible rin siyang makaharap sa second round si Coco Gauff, ang American tennis star at dating US Open champion. 

“I wasn’t necessarily sure if I was going to compete so soon after what happened in Dubai,” inamin ni Raducanu. “But I’m really happy to be here, and I feel a lot better.” 

Dahil sa nangyari kay Raducanu, muling nabuksan ang usapin tungkol sa player security sa mga tournaments. Marami ang nananawagan ng mas mahigpit na seguridad para sa mga atleta. Pero ngayon, ang focus ni Raducanu ay ang kanyang comeback—determinado siyang kalimutan ang traumatic na experience at bumalik sa kanyang best performance sa court. 

Larawan: Sky Sports