NBA: Jaylen Wells, posibleng di matapos ang season dahil sa masamang pagkabagsak
Bryan Hafalla Ipinost noong 2025-04-12 22:03:06
April 12 - Napilayan si Memphis Grizzly rookie na si Jaylen Wells matapos magtamo ng malubhang injury mula sa kanyang pagkakabagsak sa laban kontra Charlotte Hornets nitong Martes at posibleng hindi na makabalik ngayong season.
Ayon sa team statement ng Grizzlies nitong Biyernes, napilayan si Wells ng broken right wrist, concussion, at facial laceration matapos maibagsak nito ang buong bigat niya pagkatapos subukan i-dunk ang bola sa second quarter.
Na-clear si Wells para sa dunk play ngunit aksidenteng na-undercut ni Hornets guard KJ Simpson. Nawalan siya ng balanse sa ere at bumagsak una ang mukha sa sahig. Agad siyang isinugod sa Novant Health Presbyterian Medical Center sa Charlotte at na-discharge kinabukasan.
“Wells is expected to make a full recovery,” ayon sa Grizzlies. Ngunit malaki ang posibilidad na hindi na siya makabalik sa natitirang bahagi ng 2024–25 NBA season.
Tinawagan si Simpson ng Flagrant 2 foul at agad na na-eject mula sa laro. Tumigil ang game ng 23 minuto habang ginagamot si Wells sa court. Lumuhod sa panalangin ang parehong koponan.
Si Wells, 21 anyos, ay naging isa sa mga standout rookies ngayong taon at isa sa mga pinaka-maaasahang defender ng Memphis. Sa 79 games (74 bilang starter), nagtala siya ng average na 10.4 points at 3.4 rebounds kada laro.
Kasalukuyang nasa ika-7 pwesto ang Grizzlies (47-33) sa Western Conference. May natitira silang dalawang laban kontra Nuggets at Mavericks bago matapos ang regular season.
