Filipina racer Bianca Bustamante, pasok sa ‘Forbes 30 Under 30’ Europe list para sa 2025
Ipinost noong 2025-04-16 14:45:49
April 16, 2025 — Isa na namang proud moment para sa Pilipinas! Pasok si rising motorsport star Bianca Bustamante sa prestihiyosong Forbes 30 Under 30 Europe list para sa taong 2025—isang patunay na siya’y isa sa mga pinaka-promising na young athletes sa mundo ng racing.
Si Bianca, 19 years old, ang kauna-unahang babaeng driver na na-sign sa McLaren Driver Development Program sa ilalim ng F1 Academy noong 2023. Sa kabila ng pagiging male-dominated ng mundo ng motorsport, mabilis ang pag-angat niya at umani siya ng suporta mula sa mahigit 3 million followers sa Instagram at TikTok.
Binigyang-diin ng Forbes ang kanyang malaking impluwensiya at appeal sa mga kilalang brands tulad ng Anastasia Beverly Hills at Cisco. “Her rise in the sport has gained her more than 3 million followers across Instagram and TikTok, and sponsorships from Anastasia Beverly Hills to Cisco,” ayon sa publication.
Nag-post naman si Bianca sa kanyang Instagram para ipahayag ang kanyang pasasalamat at pagkagulat sa recognition. “Gosh, putting this into writing feels unreal,” ani niya. “The 5-year-old me just wanted to drive till the sun went down... who knew this is who she'd grow up to be.”
Nagpasalamat din siya sa lahat ng sumuporta sa kanya mula noon hanggang ngayon. “Words can't describe how much it means to me. What a great source of motivation as I head into this new chapter. Can't wait to see where the future takes us.”
Kabilang sa highlights ng career ni Bianca ang kanyang unang panalo sa Valencia, Spain noong Mayo 2023, at isa pang tagumpay sa Monza noong Hulyo ng parehong taon. Noong 2024, makikita siya sa Vogue Philippines cover kasama si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, na nagpatibay pa sa kanyang status bilang role model para sa mga kababaihan sa sports.
Patuloy ang pagbigay-inspirasyon ni Bianca sa bagong henerasyon ng racers—lalo na sa mga young girls—na nangangarap na pasukin ang mundo ng karera.
