Diskurso PH
Translate the website into your language:

NBA: PACERS, BINIGLA ANG NO. 1 NA CAVS SA GAME 1 NG EAST SEMIS!

Ace Alfred AceroIpinost noong 2025-05-05 10:35:27 NBA: PACERS, BINIGLA ANG NO. 1 NA CAVS SA GAME 1 NG EAST SEMIS!

May 5 - Binulaga ng Indiana Pacers ang top-seeded Cleveland Cavaliers sa kanilang mismong home court matapos magtagumpay, 121-112, sa Game 1 ng Eastern Conference semifinals nitong Linggo (PH time).

Bumida si Andrew Nembhard na may 23 puntos kabilang ang limang tres, habang si Tyrese Haliburton ay nagtala ng 22 puntos at 13 assists. Anim na manlalaro ng Pacers ang umiskor ng double figures.

Matapos magtala ng 36-25 kalamangan sa unang quarter—salamat sa 10 puntos ni Pascal Siakam—pinanatili ng Pacers ang abante kahit pa nakabalik ang Cavs sa second half.

Nanguna si Donovan Mitchell sa Cavs sa kanyang 33 puntos, habang si Evan Mobley ay may 20 puntos at 10 rebounds. Ngunit dama ang pagkawala ni All-Star guard Darius Garland (sprained toe), at hindi kinaya ng Cleveland ang 15-4 run ng Indiana sa fourth quarter.

“We weathered the storm,” wika ni Haliburton. “They’re the number one team, but we just stuck to Pacers basketball—getting stops, running, and staying composed.”