Diskurso PH
Translate the website into your language:

NBA Playoffs: Mavericks, sinwerte sa No. 1 pick; Cooper Flagg target sa NBA Draft

Ace Alfred AceroIpinost noong 2025-05-13 12:05:52 NBA Playoffs: Mavericks, sinwerte sa No. 1 pick; Cooper Flagg target sa NBA Draft

May 13 - Nasungkit ng Dallas Mavericks ang No. 1 pick sa 2025 NBA Draft lottery nitong Lunes (Martes sa Maynila), isang malaking suwerte lalo’t may 1.8% lang silang tsansa na makuha ito ayon sa komplikadong draft rules ng liga.

Matapos ang kontrobersyal na trade kay Luka Doncic noong Pebrero, binigyan ng bagong pag-asa ang franchise na makapagsimula muli—at posibleng simulan ito sa pagkuha sa top college star na si Cooper Flagg.

"Medyo mabigat ang taong ito para sa atin, alam natin ‘yan," ani Mavericks legend Rolando Blackman, na kumatawan sa koponan sa lottery draw sa Chicago. "Pero ang mahalaga, may pagkakataon tayong isulong ulit ang franchise."

Si Flagg, 18, ang itinuturing na overwhelming favorite para mapili bilang No. 1 overall pick sa draft na gaganapin sa Hunyo 25–26 sa Barclays Center sa Brooklyn, New York.

Ang 6-foot-9, 205-pound forward mula Duke University ay nagdeklara para sa draft noong nakaraang buwan matapos kilalanin bilang National Player of the Year sa kanyang freshman season. Nag-average siya ng 19.2 puntos, 7.5 rebounds, at 4.2 assists kada laro.

"Kung titignan mo ang stats, highlights, at ‘yung epekto niya sa laro sa opensa at depensa—grabe talaga," ayon kay Duke coach Jon Scheyer.

Nang tanungin kung anong maibibigay ni Flagg sa Mavericks, sagot ni Blackman: "Ang importante, marunong siyang maglaro. May galing talaga. Marami rin namang magagaling sa draft class na ito, pero tingnan natin kung paano magjijell ang mga player para gumanda ang team."

Sa panig ni Flagg, sinabi nitong hindi siya masyadong nag-isip kung saan siya mapupunta: “Hindi ko masyadong inisip. Hindi ko rin naman kontrolado ‘yan. Dumadaan lang ako sa proseso gaya ng iba, at ine-enjoy ang bawat sandali.”

Kabilang sa 14 na teams na hindi umabot sa playoffs ang mga sumali sa draft lottery, pero kabilang din ang Houston Rockets (2nd seed sa West) dahil sa nakaraang trade deals.

Narito ang top 5 draft order:

  1. Dallas Mavericks

  2. San Antonio Spurs

  3. Philadelphia 76ers

  4. Charlotte Hornets

  5. Utah Jazz – na may pinakamababang record sa regular season (17-65).