UAAP: Lady Cardinals, pasok na sa pabilisan sa Final Four matapos lamunin ang Lady Stags

May 21 - Walang inaksayang oras ang Mapua University matapos tambakan ang San Sebastian College, 25-16, 25-16, 25-21, upang manatiling buhay ang pag-asa sa Final Four ng NCAA Season 100 women’s volleyball.
Pinangunahan nina Freighanne Garcia at Raissa Janel Ricablanca ang opensa ng Lady Cardinals na nagpakawala ng 21 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod. Dahil dito, umakyat na sa 11-5 ang kartada ng Mapua kasabay ng kanilang ika-apat na sunod na panalo.
“I’m grateful to the players for adjusting well. They themselves talked about what’s needed to be done,” pahayag ni head coach Clarence Esteban, na masaya sa leadership na ipinapakita ng kanyang mga manlalaro.
Magiging mas matinding pagsubok ang huling dalawang laban ng Mapua kontra sa mga powerhouse team—ang defending champion na College of St. Benilde at league-leader na Letran.
Bumagsak naman sa 7-9 ang Lady Stags at tuluyan nang nabaon sa ilalim ng standings.
Sa unang laro, wagi rin ang Jose Rizal University kontra San Beda, 25-19, 25-22, 25-21, upang parehas silang magtala ng 2-14 na kartada.