Diskurso PH
Translate the website into your language:

NBA Finals: Haliburton, gametime decision sa Game 6 ng NBA Finals

Ace Alfred AceroIpinost noong 2025-06-19 18:47:40 NBA Finals: Haliburton, gametime decision sa Game 6 ng NBA Finals

June 19 - Bibigyan ng huling pagkakataon si Tyrese Haliburton na mapagdesisyunan ang kanyang paglalaro para sa Game 6 ng NBA Finals ng Indiana Pacers kontra Oklahoma City Thunder, ayon sa coach na si Rick Carlisle.

May iniindang calf strain si Haliburton na nakuha sa Game 5 kung saan natalo ang Pacers at napalapit ang Thunder sa pag-angkin ng kampeonato, 3-2.

Ayon kay Carlisle, sasailalim si Haliburton sa fitness test ngayong Huwebes ng hapon (Biyernes sa Manila) upang matukoy kung makakalaro ito sa must-win game sa Indianapolis.

“Magte-testing sila bukas ng hapon. Doon malalaman kung makakalaro siya o hindi,” ani Carlisle. “May plano kami kahit hindi siya makalaro, pero aantayin talaga natin hanggang gabi para makasiguro.”

Nilinaw ni Haliburton na gusto niyang maglaro ngunit kailangang maging matalino sa pagdedesisyon lalo na sa posibleng long-term na epekto ng kanyang injury.

"Competitor ako — gusto ko talagang maglaro. Pero kailangan din maintindihan ang risks at itanong ang tamang mga tanong,” ani Haliburton.

Kasalukuyang sumasailalim si Haliburton sa 24/7 treatment para sa kanyang injury kabilang na ang massage, acupuncture, hyperbaric therapy at electrical stimulation.