Diskurso PH
Translate the website into your language:

Tennis: Siya nga ba ang tunay na classy? Sabalenka binanatan si Anisimova matapos ang matinding pagkatalo sa Wimbledon!

Ace Alfred AceroIpinost noong 2025-07-12 14:47:19 Tennis: Siya nga ba ang tunay na classy? Sabalenka binanatan si Anisimova matapos ang matinding pagkatalo sa Wimbledon!

July 11 - Hindi napigilan ni World No. 1 Aryna Sabalenka ang kanyang emosyon matapos siyang gulatin ni Amanda Anisimova sa Wimbledon semifinals, 6-4, 4-6, 6-4, nitong Huwebes.

At sa halip na purong pagkilala ang ibigay, bumira si Sabalenka laban sa inasal ng 13th seed na si Anisimova, na aniya’y “bastos” at “walang class” habang tinatapos ang laban.

“I was just trying to chase the ball. She was already celebrating,” giit ng Belarussian star. “Medyo napaaga. Tapos sinabihan pa ako na ‘ganun talaga siya palagi’. Nakakainit ng ulo.”

Lalong nagalit si Sabalenka nang hindi humingi ng sorry si Anisimova matapos maka-score sa net cord — isang bagay na karaniwan sa tennis etiquette.

“Tinignan ko siya. Sabi ko sa sarili ko, ‘Di man lang nagsorry?’ Mukhang gusto lang talaga niyang manalo ng sobra,” dagdag ni Sabalenka.

Bagamat nakabawi siya ng isang set, bumigay rin si Sabalenka sa kabila ng mainit na kondisyon sa Centre Court.

Ironically, binuksan ni Sabalenka ang kanyang post-game interview sa pagsasabing hindi na siya magra-rant gaya ng sa Roland Garros, kung saan binatikos niya si Coco Gauff.

“Kung naghihintay kayo ng Roland Garros Part 2, pwede na kayong umalis,” biro pa niya.

Gayunpaman, sa dulo ng kanyang media session, muling sumilip ang kanyang emosyon nang sabihan ang media ng, “Ha ha ha, you didn’t get anything,” sabay labas ng dila.

Sa kabila ng batikos, inamin ni Sabalenka na naging matapang si Anisimova sa mga crucial na sandali, at karapat-dapat siyang manalo.