Diskurso PH
Translate the website into your language:

Strong Group‑PH, Kauna‑unahang Pilipinong Team na Nag‑back‑to‑back sa William Jones Cup

Bryan HafallaIpinost noong 2025-07-22 10:32:36 Strong Group‑PH, Kauna‑unahang Pilipinong Team na Nag‑back‑to‑back sa William Jones Cup

Isang historic blowout ang pinakita ng Strong Group Athletics–PH, matapos durugin ang Bahrain ng 92–68 at pumatok sa kauna-unahang back-to-back titulo ng Pilipinas sa 44 taong William Jones Cup!

Nagningning sa court si Andre Roberson—nagpakitang-gilas ng 25 puntos at 14 rebounds na nagpatumba sa kalaban . Nang manalo ng 68–63 ang Bahrain sa third, sumabog ang 14–0 run ng SGA sa fourth, tuluyang winasak ang laban at titulo.

Aniya si coach Charles Tiu, “Feels great to win again… we never take anything for granted,” pinupuri ang mga lokal at import players

Sa ibang numero:

  • Tajuan Agee: 19 puntos, 8 boards

  • Javi Gomez de Liaño: 4 tres

  • Nagpasiklab rin sina Rhenz Abando at Ian Miller mula sa bench 

Umabot ang undebated reign ng SGA sa 7–0 run, pinalawig ang talaan sa 16 sunod na panalo sa loob ng dalawang tournament. Ito ang ika‑walo nating titulo sa Jones Cup, kasama ang Northern Cement (1982) at Mighty Sports (2016, 2019).

Nagpatuloy ang dominasyon—kinain din nila ang UAE ng 87–62 sa susunod na araw para tapusin ang perfect 8–0 sweep. Nag–aabang na ang fans at bossing na sina Frank at Jacob Lao—nagbabalak mag-host ng malaking invitational sa Manila. Plano rin ang pagpapalakas ng grassroots program