Diskurso PH
Translate the website into your language:

Ex-NBA Star Gilbert Arenas, Arestado sa Umano’y Illegal Poker Game sa Sariling Mansyon

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-08-02 08:26:26 Ex-NBA Star Gilbert Arenas, Arestado sa Umano’y Illegal Poker Game sa Sariling Mansyon

Inaresto ang dating NBA All-Star na si Gilbert Arenas sa Encino, California matapos masangkot umano sa isang illegal high-stakes poker game na ginaganap sa kanyang mansyon, ayon sa ulat ng U.S. Attorney’s Office.


Si Arenas, 43, ay kinasuhan ng, Conspiracy to operate an illegal gambling business, Operating an illegal gambling business at pagsisinungaling sa mga imbestigador.


Ayon sa imbestigasyon, pinaarkila ni Arenas ang kanyang bahay para sa poker events at pinangasiwaan umano ito ng isang Arthur Kats, na hindi kabilang sa mga naaresto.


Bagama’t itinanggi ni Arenas ang pagkakasangkot, may ebidensya umanong nagpadala siya ng larawan ng poker table na may kanyang pangalan at jersey number.


Sa social media, pabirong sinabi ni Arenas: “They can't hold me… I just rented the house.”


Limang iba pang lalaki ang naaresto at kinasuhan dahil sa pagpapatakbo ng poker games na may bayad at kasamang entertainment services. Lahat ng akusado ay posibleng makulong ng hanggang 5 taon bawat kaso.