Tim Cone, target si Quentin Millora-Brown bilang lokal sa Gilas
Margret Dianne Fermin Ipinost noong 2025-08-15 09:52:49
MANILA — Ipinahayag ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang kanyang kasiyahan at pag-asa na makuha si Quentin Millora-Brown (QMB) bilang lokal na manlalaro para sa pambansang koponan, matapos makita ang performance ng 6-foot-10 center sa tune-up game kontra Macau Black Bears noong Hulyo 28 sa Smart-Araneta Coliseum.
Matapos ang laro kung saan nagtala si Millora-Brown ng 6 puntos, 7 rebounds, 2 assists, 2 steals, at 1 block para sa Black Bears, sinabi ni Cone, “He’s awesome. Man, I’d love to have him. He’s physical, he gets to the offensive boards real well. Great size”.
Gayunpaman, kasalukuyang kinikilala ng FIBA si Millora-Brown bilang isang naturalized player, kaya’t hindi pa siya maaaring maglaro bilang lokal para sa Gilas. Sa ngayon, si Justin Brownlee ang nakatalaga bilang naturalized player ng koponan, at ayon kay Cone, “It’s not there yet. I can dream and wish. I dream we had Michael Jordan and Kobe Bryant, but that’s not possible either. But if I had an opportunity, man, I would love QMB on the team”.
Si Millora-Brown, na tumulong sa University of the Philippines na makamit ang UAAP championship sa kanyang one-and-done season, ay umaasa ring mababago ang desisyon ng FIBA. “It’s been appealed. The lawyers tell me we have a pretty strong position so we’re hopeful that we’ll get FIBA to change their decision from naturalized to local,” aniya. “We’ll see what happens. Obviously, we don’t control what they say, but we’re hopeful”.
Matapos ang kanyang stint sa Black Bears, inaasahan ni Millora-Brown na makakuha ng kontrata sa Europe at hindi na sasali sa paparating na PBA Draft.
Ang posibleng pagpasok ni QMB bilang lokal ay malaking tulong sa Gilas Pilipinas, lalo’t bihira ang mga lokal na big man na may taas na higit sa 6-foot-10. Sa kabila ng mga hadlang, nananatiling positibo si Cone sa posibilidad na makasama si Millora-Brown sa national team sa hinaharap.
Larawan mula sa The Citadel Athletics
