Diskurso PH
Translate the website into your language:

10 year old chess prodigy-pinakabatang tumalo sa grandmaster

Ipinost noong 2025-08-16 12:10:49 10 year old chess prodigy-pinakabatang tumalo sa grandmaster

August 16, 2025– Sampung Taong-Gulang na Chess Prodigy, nasungkit ang  makasaysayang titulo bilang “ Woman International Master” , pinakabatang babae na nakatalo sa isang Grandmaster.


Pinahanga ni Bodhana Sivanandan ang British Chess Championships sa Liverpool, nang talunin niya ang 60-taong-gulang na grandmaster na si Peter Wells upang magtakda ng bagong world record.


Sa Liverpool ngayong linggo, isang 10-taong-gulang na batang babae mula sa northwest London ang gumawa ng kasaysayan gamit ang isang chessboard.


Naging pinakabatang manlalaro ng babae ang  nakatalo sa isang grandmaster- ang sampung taong gulang na si Bodhana Sivanandan nang talunin niya ang 60 taong gulang na si Peter Wells sa huling round ng 2025 British Chess Championships.


Ipinagdiwang ng International Chess Federation ang tagumpay na ito sa pamamagitan ng isang post sa Instagram.


Gumawa ng kasaysayan ang British sensation na si Bodhana Sivanandan na tinanghal bilang pinakabatang babaeng manlalaro ng chess na nakatalo sa isang grandmaster! "ang nakasulat sa caption.


Kinumpirma rin ng organisasyon na nalampasan niya ang naunang rekord na itinakda noong 2019 ni American Carissa Yip, na halos 11 taong gulang nang maitala ang kanyang unang panalo laban sa isang grandmaster.


Nakuha na ni Sivanandan ang titulong "woman international master," ang pangalawang pinakamataas na titulo na pwedeng makuha ng mga babaeng manlalaro bago ang grandmaster.


Ang tagumpay na ito ay naglagay sa kanya sa pedestral na tinahak , kung saan ang kanyang pangalan ay kabilang  na sa  pinakamalalaking pangalan sa mundo ng chess, kabilang ang kasalukuyang world champion na si Gukesh Dommaraju at world No. 1 na si Magnus Carlsen, ayon sa CBS News.


Mas kahanga-hanga pa ang kanyang pag-angat kung isasaalang-alang ang kanyang pinagmulan.


Sinabi ni Sivanandan sa BBC News na nagsimula siyang maglaro ng chess sa edad na limang taon, noong panahon ng pandemya ng COVID-19, nang magdala ng bag ng mga laruan at libro ang isang kaibigan ng pamilya.

“In one of the bags, I saw a chessboard, and I was interested in the pieces,” she told the outlet. “I wanted to use the pieces as toys. Instead, my dad said that I could play the game, and then I started from there.”


Mula noon, kinilala siya bilang isang henyo. Si Malcolm Pein, isang international chess master at tagapagtatag ng isang charity na nagtataguyod ng chess sa mga paaralan, ay pinuri ang kanyang kakayahan at pag-uugali.


"Napakatahimik niya, napakamahinhin niya at napakatalino niya sa chess," sabi ni Pein sa BBC. Madali siyang maging kampeon ng mundo sa kababaihan, o baka kampeon ng mundo sa pangkalahatan. At tiyak na naniniwala ako na nasa tamang landas siya upang maging isang grandmaster.

 

larawan-google