Diskurso PH
Translate the website into your language:

Dating World Champion na si Adrien Broner, tinangkang tumakas dahil walang pambayad sa restaurant?

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-23 01:11:45 Dating World Champion na si Adrien Broner, tinangkang tumakas dahil walang pambayad sa restaurant?

USA Muling naging laman ng balita ang dating world champion na si Adrien Broner matapos umano’y magdulot ng gulo sa isang restaurant. Ayon sa ulat, umabot sa $2,200 (mahigit ₱120,000) ang kabuuang bill ng kanyang kinain, ngunit wala raw itong pambayad.

Ayon sa mga nakasaksi, nagtangka pa raw tumakas si Broner para iwasan ang bayarin. Dahil dito, napilitan ang mga empleyado ng resto na tumawag ng pulis upang resolbahin ang sitwasyon.

Pagdating ng mga awtoridad, lalong naging kontrobersyal ang insidente at mabilis na kumalat online, kung saan maraming netizens ang nagbigay ng sari-saring reaksyon.

May ilan na nagsabing “irresponsable” umano si Broner at tila patuloy na nasisira ang kanyang imahe sa publiko. Samantala, ang iba nama’y nagtanggol sa kanya, sinasabing baka may malalim na dahilan ang nangyari.

Sa ngayon, wala pang malinaw na pahayag mula kay Broner tungkol sa isyu, ngunit hindi ito ang unang pagkakataon na siya’y nasangkot sa kontrobersiya. (Larawan: ProBox Tv / Google)