Diskurso PH
Translate the website into your language:

Filipino boxing legend Manny Pacquiao, opisyal nang itinalaga bilang Vice President ng International Boxing Association (IBA)

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-10-29 22:30:33 Filipino boxing legend Manny Pacquiao, opisyal nang itinalaga bilang Vice President ng International Boxing Association (IBA)

MANILA — Opisyal nang itinalaga si Filipino boxing legend Manny “Pacman” Pacquiao bilang Vice President ng International Boxing Association (IBA) — isang bagong yugto sa kanyang patuloy na paglilingkod sa larangan ng boksing, hindi na bilang atleta kundi bilang opisyal na layuning itaguyod ang mga susunod na henerasyon ng boksingero sa buong mundo.

Sa kanyang pahayag, nagpasalamat si Pacquiao sa tiwalang ibinigay sa kanya ng IBA. “I’m thankful for the trust and the opportunity to serve the sport that has given me so much. My goal is to help inspire and guide the next generation of boxers around the world,” ani ng Pambansang Kamao.

Bilang bagong opisyal, nakatakdang gampanan ni Pacquiao ang tungkulin sa pagpapalakas ng mga programa ng IBA para sa kabataan, pagpapaunlad ng mga grassroots boxing initiatives, at pagpapanatili ng integridad ng isport.

Malugod namang tinanggap ng mga boxing enthusiasts at mga tagasuporta ni Pacquiao ang kanyang bagong posisyon, na nakikitang isang karangalan hindi lamang para sa kanya kundi para sa buong Pilipinas.

Mula sa pagiging world champion hanggang sa pagiging lider sa pandaigdigang boxing community, muling pinatunayan ni Pacquiao na ang kanyang puso ay nananatiling para sa isport at sa bayan. (Larawan: Manny Pacquiao / Facebook)