Sari-Sari Stores, Sandigan ng Kababaihan
Mae Lani Rose Granados Ipinost noong 2025-03-09 14:55:37
Sa loob ng mahigit tatlong dekada, ang 62-year-old na si Marlyn Llorin ay nagma-manage ng isang maliit na sari-sari store sa Sucat, Muntinlupa. Sa paglipas ng mga taon, nalampasan niya ang iba't ibang challenges sa pagpapatakbo ng negosyo at natuto ng mahahalagang lessons. Ngayon, bilang isang lola, nakikita niya ang kanyang tindahan bilang higit pa sa isang paraan ng pagkakaroon ng extra kita.
“Nakakalibang siya (It’s leisurely),” she shares habang inaasikaso ang kanyang tindahan.
Si Llorin ay isa lamang sa maraming Pilipinang negosyante na ang maliliit na negosyo ay nagsisilbing mahalagang sandigan ng empowerment sa kanilang tahanan at komunidad. Isang bagong pag-aaral ang nagbigay-linaw kung paano nakakatulong ang malakas na presensya ng kababaihan sa microenterprises upang mapagtagumpayan ang mga hamong panlipunan, pang-ekonomiya, at pangkultura.
Habang may mga naunang pananaliksik tungkol sa papel ng sari-sari stores sa pag-unlad ng komunidad at pagpapautang, naniniwala sina mananaliksik Diana Rueda at Eylla Laire Gutierrez na kulang pa rin sa holistic na pananaw ang umiiral na literatura tungkol sa karanasan ng mga babaeng may-ari ng tindahan. Ang kanilang pag-aaral ay lumalayo sa purong ekonomikal na pananaw at lumilipat sa pagsusuri ng psychological empowerment at human flourishing.
“This study therefore aims to bridge this gap,” Rueda and Gutierrez state. “This study departs from purely economic perspectives on sari-sari stores, and instead focuses on the psychosocial impact of sari-sari stores on women owners.”
Confidence Through Business Ownership
Ang Philippine Institute for Development Studies (PIDS) ay nakipagtulungan sa sari-sari store technology provider na Packworks upang magsagawa ng survey sa mga babaeng sari-sari store owners sa Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon. Isinagawa ang pag-aaral mula Mayo hanggang Hunyo 2024 at kinolekta ang sagot ng daan-daang kababaihan sa industriya.
Natuklasan sa pag-aaral na 90% ng mga sumagot ay may asawa at may mga umaasa sa kanila, 7% ay single, at 3% ay hiwalay o balo. Sa kanila, 78% ang tumutulong sa gastusin sa bahay, 16% ang pangunahing naghahanapbuhay, at 6% ang single mothers. Lumabas din sa pag-aaral na may mataas na antas ng well-being at psychological empowerment ang mga kababaihang ito.
Marami ang ipinagmamalaki ang pagiging sarili nilang boss at pagkakaroon ng financial independence.
“I am no longer dependent on my husband for money,” one respondent noted.
Gayunpaman, nananatiling hamon ang economic empowerment. Maraming kababaihan ang umaaming hindi sapat ang kanilang kinikita, lalo na ang may mga anak. Dahil kadalasang naibabalik lang sa puhunan ang kanilang kita, nananatiling alalahanin ang financial security.
“My income will not be enough in the long run,” one respondent explains. “I use the income for the day to replenish the supplies of the store,” another adds.
Political and Social Standing
Sa kabila ng kanilang malaking kontribusyon sa ekonomiya, kakaunti lang ang pakikilahok ng mga babaeng sari-sari store owners sa usaping pampulitika.
“I only interact with them [the government] when it’s the election period,” one respondent shares. “When I need capital or if I need to register, that is the only time I seek help from the government.”
Gayunpaman, tumaas ang kanilang social status dahil sa pagmamay-ari ng tindahan. Marami ang nagsasabing nagkaroon sila ng mas mataas na tingin sa komunidad.
“Now, they call me madam because I own a store,” one respondent says. “Because they saw me opening a store, they thought I was rich and that they could just borrow money from me,” another adds.
Binibigyang-diin din ng pag-aaral ang papel ng suporta ng pamilya sa pagpapatakbo ng negosyo. Pinahahalagahan ng mga babaeng may-ari ng tindahan ang tulong ng kanilang pamilya sa gawaing bahay, lalo na kapag pagod sila sa pamamahala ng kanilang tindahan.
Challenges and Possible Solutions
Isa sa mga pangunahing suliranin ng sari-sari store owners ay ang kakulangan sa access sa credit at financing. Sa kabila ng kahalagahan nila sa ekonomiya ng Pilipinas, marami sa kanila ang walang sapat na kapital upang mapalago o mapanatili ang kanilang negosyo. Bukod dito, inamin ng ilan na kulang sila sa kaalaman sa negosyo at umaasa lamang sa kanilang karanasan kaysa sa structured financial planning.
“I only learned about doing business through experience. I just play everything by ear,” one respondent shares.
Upang tugunan ang mga kakulangang ito, ang Packworks, na nakipagtulungan sa PIDS sa pag-aaral, ay nagbibigay ng digital solutions sa sari-sari store owners. Nag-aalok ang kumpanya ng mga tool para sa pricing, inventory management, sales tracking, at access sa working capital, product promotions, at rewards.
“This research underscores the resilience and transformative power of women sari-preneurs in the Philippines,” Packworks CEO Bing Tan states.
Sa pamamagitan ng digital solutions at patuloy na suporta, ang empowerment ng kababaihang microentrepreneurs ay patuloy na lalakas, na hindi lang magpapabuti sa kanilang personal na kapakanan kundi pati na rin sa pangkalahatang ekonomiya ng kanilang komunidad.
Larawan: Inquirer Net
