Diskurso PH
Translate the website into your language:

Germany magbubuhos ng 5% GDP sa depensa—armadong lakas babangon muli

Ipinost noong 2025-05-16 14:32:41 Germany magbubuhos ng 5% GDP sa depensa—armadong lakas babangon muli

Maynila, Pilipinas- Ipinahayag ng Germany ang kahandaang itaas ang defense spending nito sa 5% ng Gross Domestic Product (GDP), alinsunod sa panawagan ni U.S. President Donald Trump sa mga kasaping bansa ng NATO.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na layunin ng bansa na palakasin ang kakayahang militar nito at tugunan ang mga hamon sa seguridad sa Europa.

Ayon kay German Foreign Minister Johann Wadephul, ang desisyong ito ay nagpapakita ng suporta ng Germany sa kolektibong depensa ng NATO. Sa kasalukuyan, ang target na defense spending ng NATO ay 2% ng GDP, na naabot na ng Germany ngayong taon.

Ang planong pagtaas sa 5% sa taong 2032 ay inaasahang magbibigay-daan sa paggastos ng 3.5% mula sa 5% upang bumili ng gamit militar  para sa Bundeswehr habang ang natitiranf 1.5% ay gagastusin naman sa depensa na imprastruktura.

Upang maisakatuparan ito, isinulong ni Chancellor Friedrich Merz ang mga pagbabago sa konstitusyon ng bansa upang alisin ang mga limitasyon sa paghiram para sa defense investments. Kasama rito ang pag-apruba ng €500 bilyong pondo para sa modernisasyon ng imprastruktura. Gusto din niya na ang Germany ay magkaroon ng pinakamagaling ng militar pagdating sa digmaang tradisional tulad ng WW2.

Ang anunsyong ito ay nagdulot ng pagtaas sa mga stock ng mga kumpanyang pang-depensa sa Europa. Ang mga kumpanya tulad ng Hensoldt Saab, Kongsberg Gruppen at Rheinmetall ay nakaranas ng pagtaas sa kanilang stock prices, na nagpapakita ng positibong pagtanggap ng merkado sa planong ito ng Alemanya.

Gayunpaman, may mga opisyal sa gobyerno ng Alemanya na nagpahayag ng pag-aalinlangan sa planong ito. Ayon kay Defense Minister Boris Pistorius, mas mahalaga ang pagtupad sa mga layunin ng kakayahan ng NATO kaysa sa simpleng pagtaas ng budget.

Inaasahan na tatalakayin ang usaping ito sa darating na NATO Summit sa The Hague sa Hunyo, kung saan inaasahang magpapahayag ang mga kasaping bansa ng kanilang mga commitment sa defense spending.