Ai generated ! Trahedya tungkol kay Jessica Radcliffed at sa alaga nyang Dolphin
Ana Linda C. Rosas Ipinost noong 2025-08-12 17:56:18
August 12.2025—pinagpiyestahan ang viral video show at image ni Jessica Radcliffed at alaga nyang Dolphin sa ibat ibang platform sa social media. Walang katotohanan at kongkretong ebidinsya sa estoryang ito.
Ang mga viral na video na nagpapakita umano ng isang babaeng tagasanay ng orca na pinatay ng isang killer whale sa isang aquatic park ay kumalat na parang apoy sa social media. Nagsimulang kumalat ang mga viral clip sa mga social media platform tulad ng TikTok, X, at Facebook nitong mga nakaraang linggo, at sinasabing nagpapakita ng isang 23-taong-gulang na marine trainer na nagngangalang Jessica Radcliffe ay marahas na inatake at pinatay ng isang orca whale sa gitna ng isang live performance sa "Pacific Blue Marine Park." Ngunit ilang media outlet ang nagsabing natukoy nila na ang mga video at larawan ay binuo ng AI.
Walang katotohanan na talagang pinatay ng killer whale ang orca trainer na si Jessica Radcliffe.
Kapuna- puna ang mga mga larawan at video na naka post sa social media. Sa unang tingin ay kapani-paniwala ang pangyayare. At di maiiwasang mag react ng negatibo laban sa Dolphin na umatake umano sa trainor na si Jessica. May mga ilang netizen ang agarang nagpahayag ng kanilang komento.
Claire Mamawag— Fake News! Jessica is alive…
Mean Villacampa— Pls. pakawalan nlang c orca hayaan nlng na maging malaya sya kahit may nagawa sya kasalanan isa po ako sa animal lover.. Pls po ibalik na nlng sya sa dagat mahal na mahal yan ni mam jesica….
Nenita Genebraldo—its an accident iguess return orca to the ocean mices emotion having suffered stress &depression
Ibat-ibang emosyon at reaksyon mula sa mga netizen na nagpakita ng sympathy sa trainer at Dolphin. Sa masusing pag aaral at analisa ay di tumutugma sa bawat galaw ng mga involve na karakter sa video at gayun din ang kilos ng mga taong nasa paligid na kasama sa pinangyarihan--- Ai generated ang lahat! Deep fake!
Ang deepfake ay isang uri ng synthetic media—karaniwan ay video, audio, o mga larawan—na nilikha o binago gamit ang artificial intelligence, lalo na ang mga pamamaraan ng deep learning, upang magmukhang ginawa o sinabi ng isang tao ang isang bagay na hindi naman niya talaga ginawa.
-larawan (google)