Parada militar sa North Korea,tampok ang pangmalakasang armas na Hwasong-20 intercontinental ballistic missile
Ana Linda C. Rosas Ipinost noong 2025-10-12 19:17:41
Pyongyang, Hilagang Korea — Kasabay ng malawakang parada militar noong Biyernes, ipinakita ng North Korea ang tila bagong Hwasong-20 intercontinental ballistic missile (ICBM) bilang bahagi ng pagdiriwang sa ika-80 anibersaryo ng pagtatatag ng naghaharing Workers’ Party of Korea.
Ang parada ay ginanap sa plaza ng Pyongyang, kung saan libu-libong sundalo ang dumaan sa pagmartsa sa ilalim ng mabigat na ulan, kasabay ng malalaking makinarya at malaking arsenals na inilagay sa lansangan.
Ang tampok ng parada ay ang paglabas sa publiko ng Hwasong-20, na inilalarawan ng estado bilang ang “pinakamakapangyarihang nuclear strategic weapon system” ng bansa.
Ito ay isang intercontinental ballistic missile (ICBM) na pinag-aakalaang may kakayahang umabot sa pangunahing teritoryo ng Estados Unidos, lalo na kung ginamitan ng MIRV (multiple warhead) system.
Pinangunahan ni Supreme Leader Kim Jong Un ang kaganapan. Sa kanyang talumpati, pinuri niya ang papel ng militar sa pagtatanggol ng bansa at sa pagpapalaganap ng sosyalismong ideolohiya sa pandaigdigang antas.
Binigyang-diin niya na ang hukbong sandatahan ay dapat na maging “invincible entity” na kayang sirain ang lahat ng banta.
Bukod sa internal na pagdiriwang, may mataas na lider ang naging panauhin mula sa ibang bansa. Kabilang dito sina:
Li Qiang, Premier ng Tsina, na dumalo upang ipakita ang pagnanais ng China na palalimin ang diplomaticong ugnayan.
Dmitry Medvedev, dating Pangulo ng Rusya at kasalukuyang namumuno sa delegasyon ng United Russia Party, na sumama sa seremonya.
To Lam, pinuno ng Partido Komunista ng Vietnam, bilang kinatawan ng Vietnam
Bahagi ng araw na ito, nagkaroon ng pulong sa pagitan ni Kim Jong Un at Medvedev. Dito, pinuri ni Medvedev ang sakripisyo ng mga sundalong Hilagang Koreano na naipadala para tulungan ang Rusya sa digmaan sa Ukraine.
Tiniyak rin ni Kim ang kanilang hangarin na palawakin ang kooperasyon sa maraming larangan sa pagitan ng North Korea at Rusya.
Gayundin, nakatakda ang paglagda ng ilang kasunduan sa kooperasyon sa pagitan ng Hilagang Korea at Vietnam sa larangan ng diplomasiya, kalusugan, at depensa.
Ang pagdiriwang ng ika-80 anibersaryo ng Workers’ Party ay itinuturing na isa sa pinakamahalagang pulitikal-militar na kaganapan sa North Korea sa taong 2025.