Thailand Meteorological Department nagbabala: Bagyong Kajiki, magdudulot ng matinding ulan at baha
Ipinost noong 2025-08-25 11:38:07
Bangkok, Thailand – Naglabas ng babala ang Thailand Meteorological Department (TMD) kaugnay ng paparating na bagyong Kajiki na inaasahang magdadala ng malalakas na pag-ulan, pagbaha, at posibleng landslide sa ilang bahagi ng bansa sa mga susunod na araw.
Ayon sa ulat ng TMD, matinding epekto ang maaaring maranasan lalo na sa mga mababang lugar, flood-prone communities, at bulubunduking bahagi ng hilaga at silangang rehiyon ng Thailand. Dahil dito, pinapayuhan ang mga residente na maging handa at sundin ang mga babala ng lokal na pamahalaan upang maiwasan ang pinsala at pagkawala ng buhay.
Kabilang sa mga paalala ng ahensya ang na umiwas sa pagtawid sa rumaragasang tubig at bahaing kalsada;maglaan ng sapat na pagkain,inumin at mahahalagang gamit para sa emergency. Sumunod sa mga abiso hinggil sa evacutaion sakaling ideklara sa kanilang lugar.
Hinimok din ng Meteorological Department ang mga lokal na pamahalaan at disaster response teams na paigtingin ang kanilang kahandaan upang mabilis na makaresponde sa anumang kalamidad na dulot ng bagyo.
“Ang kaligtasan ng bawat isa ay nakasalalay sa ating kahandaan. Nananawagan kami sa lahat ng mamamayan na manatiling mapagmatyag at makinig lamang sa mga opisyal na anunsyo,” pahayag ng isang opisyal ng TMD.
Ang mga lalawigang inaasahang apektado ng malakas hanggang napakalakas na pag-ulan ay ang mga sumusunod na Rehiyon ng Hilaga: mga lalawigan ng Chiang Rai, Lampang, Phayao, Nan, Phrae, Uttaradit, Phitsanulok, at Phetchabun.
Rehiyon ng Hilagang-Silangan: mga lalawigan ng Loei, Nong Khai, Bueng Kan, Nong Bua Lamphu, Udon Thani, Sakon Nakhon, Nakhon Phanom, Mukdahan, Nakhon Ratchasima, at Ubon Ratchathani.
Gitnang rehiyon: mga lalawigan ng Kanchanaburi, Ratchaburi, Samut Songkhram, Samut Sakhon, at Nakhon Pathom. Kabilang ang Bangkok at ang kalapit na lugar nito
Inaasahan na mananatili ang masamang panahon habang bumabaybay ang Bagyong Kajiki sa teritoryo ng Thailand. Kaya’t mariing ipinapaalala sa publiko na manatiling nakatutok sa mga opisyal na balita at huwag magpakampante.
larawan/google
