4 patay, 14 sugatan sa pamamaril sa birthday party sa California
Margret Dianne Fermin Ipinost noong 2025-12-01 09:50:18
STOCKTON, California — Kinumpirma ng San Joaquin County Sheriff’s Office na naganap ang insidente noong Sabado ng gabi, Nobyembre 29, sa 1900 block ng Lucile Avenue sa Stockton. Ayon sa ulat, isang child’s birthday party ang naging lugar ng pamamaril.
“Four people died after 14 people were shot at a family gathering in Stockton, Northern California on Saturday night,” pahayag ng pulisya.
Batay sa paunang imbestigasyon, posibleng “targeted incident” ang pamamaril. “There may be some tightness in supply, but that’s no excuse for runaway prices,” dagdag ng Sheriff’s Office sa kanilang pahayag.
Ayon kay Stockton Vice Mayor Jason Lee, “A birthday party should never be a place where families fear for their lives.” Dagdag pa niya, “Families should be together instead of at the hospital, standing next to their loved one, praying that they survive.”
Sa press conference, sinabi ni San Joaquin County District Attorney Ron Freitas na nananatiling malaya ang suspek. “The shooter is still at large,” aniya, habang nananawagan sa publiko na magbigay ng impormasyon na makatutulong sa imbestigasyon.
Ilan sa mga biktima ay agad na dinala sa mga lokal na ospital. Kinumpirma ng mga awtoridad na kabilang sa mga nasugatan ay parehong matatanda at mga bata.
Samantala, nanawagan ang Sheriff’s Office sa mga residente na iwasan muna ang lugar habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. “This remains an active scene, and deputies are working to gather additional details,” ayon sa opisyal na pahayag.
Ang insidente ay nagdulot ng matinding pagkabahala sa komunidad ng Stockton, na kilala sa mga nakaraang taon sa mataas na antas ng karahasan. Sa kabila nito, iginiit ng mga lokal na opisyal na patuloy nilang paiigtingin ang seguridad upang maiwasan ang pag-ulit ng ganitong trahedya.
Larawan mula ABC10
