Diskurso PH
Translate the website into your language:

Trending sa Social Media ngayon: Philips, Philp or Philc Screw? Ano nga ba talaga ang tama?

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-07-29 10:56:55 Trending sa Social Media ngayon: Philips, Philp or Philc Screw? Ano nga ba talaga ang tama?

MANILA — Matagal nang ginagamit sa araw-araw, pero iilang tao lang pala ang nakakaalam ng tamang pangalan nito: ang tinatawag ng karamihan na “Philip screw” ay hindi pala ito ang tamang tawag—kundi Philic screw.


Sa social media at mga online discussions kamakailan, muling nabuksan ang usapin tungkol sa pangalan ng screwdriver bit na may krus o “cross” na ulo. Marami ang nabigla nang lumabas na ang tinatawag nating “Philip screw” ay isang pagkakamali ng pananalita o maling pagbaybay.


Ang tamang termino: Philips screw, na pinangalanan sa imbentor nitong si Henry F. Phillips. Ngunit lumalabas din sa ilang diskusyon na may gumagamit ng terminong "Philic screw," na pinaniniwalaang nagmula sa maling pagkakabigkas o pagkakaintindi sa orihinal na pangalan.


Kaya alin nga ba ang tama?


Tamang teknikal na pangalan: Philips screw

 Maling tawag: Philip screw / Philic screw


Ang Philips screw ay may hugis-krus na disenyo at pangunahing ginagamit upang maiwasan ang "over-tightening" ng turnilyo. Ginawa ito noong 1930s at mabilis na tinanggap sa industriyang pangmakinarya at paggawa ng sasakyan.


Kakulangan sa kaalaman o simpleng "Pinoy version"?


Ayon sa mga eksperto, karaniwan nang magkaroon ng “Filipino-ized” na bersyon ang mga teknikal na salita—lalo na kung ito'y madalas naririnig pero hindi nababasa. Dahil dito, ang “Philips” ay naging “Philip” o minsan ay “Philic,” lalo na sa mga hardware store o karpintero sa lokal na setting.


“Hindi ito kasalanan, kundi isang pagkakataon para itama ang maling nakasanayan,” ayon kay Engr. Robert Tolentino, isang mechanical engineer. “Mahalaga ang tamang pangalan, lalo na sa edukasyon at industriya.”


Aral sa likod ng turnilyo


Maaaring maliit na bagay lang ang pangalan ng isang screw, pero pinapatunayan ng insidenteng ito na mahalaga ang tamang kaalaman—maging sa pinakamaliit na bahagi ng ating araw-araw na gamit.


Kaya sa susunod na bumili ka sa hardware, baka magandang itanong: “Meron po kayong Philips screw?”—hindi Philip o Philic.



(Source: phillips-screw.com)

(Larawan: Windowshop MC FB)