Diskurso PH
Translate the website into your language:

CICC chief, Digital Pinoys’ kasama sina Sachzna Laparan at Bigboy Cheng, nagbabala sa influencers na nagpo-promote ng ilegal na online gambling

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-09-30 16:52:12 CICC chief, Digital Pinoys’ kasama sina Sachzna Laparan at Bigboy Cheng, nagbabala sa influencers na nagpo-promote ng ilegal na online gambling

Quezon City — Nagbigay ng matinding babala ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) laban sa mga social media influencers na sangkot sa pagpo-promote ng ilegal na online gambling.


Sa press conference nitong Martes sa Quezon City, nanguna si CICC chief Undersecretary Renato Paraiso at Digital Pinoys national campaigner Ronald Gustilo, kasama ang mga social media influencers na sina Sachzna Laparan at Bigboy Cheng, upang himukin ang kanilang kapwa content creators na itigil na ang pag-eendorso ng mga naturang aktibidad.


Ayon kay Paraiso, hindi lamang simpleng violation sa cyber regulations ang kahaharapin ng mga nagpo-promote ng ilegal na sugal online. Aniya, maaari silang masampahan ng kasong estafa at posibleng ipatanggal ang kanilang mga accounts sa iba’t ibang social media platforms.


“Malaki ang impluwensya ng mga content creators, kaya dapat ay maging responsable sila sa paggamit ng kanilang reach. Hindi ito biro dahil maaaring maapektuhan ang kabataan at mga ordinaryong Pilipino na madaling maengganyo sa ganitong uri ng sugal,” pahayag ni Paraiso.


Para naman kay Gustilo, mahalagang makiisa ang online personalities sa kampanya laban sa ilegal na gambling upang hindi masira ang kredibilidad ng industriya ng digital content creation.


Samantala, ipinahayag nina Sachzna Laparan at Bigboy Cheng ang kanilang suporta sa inisyatiba ng pamahalaan. Ayon sa kanila, dapat magsilbing babala ang hakbang na ito upang mapuksa ang mga promosyon ng ilegal na gambling at mapalakas ang responsableng paggamit ng social media.


Iginiit ng mga opisyal at personalidad na ang laban kontra ilegal na online gambling ay hindi lamang tungkulin ng gobyerno kundi ng buong digital community.


Lawaran: Prtv News