Baron Geisler, may ibinuking: peke pala ang away nila ni Kiko Matos!
Marijo Farah A. Benitez Ipinost noong 2025-08-01 12:31:03
AGOSTO 1, 2025 — Inamin ni Baron Geisler na planado ang away nila ni Kiko Matos noong 2016 — isang social experiment lang umano ito para sa kanilang pelikulang Beast Mode. Sa panayam kay Luchi Cruz-Valdes, ibinunyag ng aktor na siya at si Matos ay malapit na magkaibigan at bahagi lamang ng pag-arte ang kanilang away.
"We did a special project called Beast Mode, a social experiment. Nag premiere kami sa Amsterdam so nine months ako naka in-character to be as crazy as possible," pahayag ni Geisler.
Aniya, ginawa nila ito bilang protesta sa extrajudicial killings (EJK) noong panahong iyon at para ipakita kung paano madaling nadadala ang mainstream media.
Higit pa, inamin niyang dati siyang kumukuha ng iligal na droga mula sa mga pulis — isang dahilan kung bakit galit siya sa sistema noon.
“Anti-government kasi ako nung time na yun eh. Yung pinagkuhanan ko ng drugs before, galing din sa mga pulis ng time na yun. Nung nagkakaroon ng EJK, I was getting mad about the killings kasi nagpapalit ulo yung mga tao,” dagdag niya.
Layunin umano ng Beast Mode na ipakita ang kapangyarihan ng ordinaryong tao na guluhin ang sistema, tulad ng ginagawa ng mga pulitiko. Problema lang, limitado ang pagpapalabas ng pelikula, kaya't hindi lubos na naunawaan ng publiko ang tunay na motibo ng kanilang "away."
(Larawan: X)