Diskurso PH
Translate the website into your language:

Eric Stonestreet ng ‘modern family’, ikinasal na sa kanyang longtime partner na si Lindsay Schweitzer

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-10 00:33:10 Eric Stonestreet ng ‘modern family’, ikinasal na sa kanyang longtime partner na si Lindsay Schweitzer

Setyembre 9— Isang masayang anunsyo ang ibinahagi ni Eric Stonestreet, kilala sa kanyang papel bilang si Cameron Tucker sa sikat na sitcom na Modern Family, matapos niyang kumpirmahin ang kanyang kasal sa longtime partner na si Lindsay Schweitzer nitong Martes, Setyembre 9 — na siya ring araw ng kanyang kaarawan.

Sa kanyang social media post, ipinakita ni Stonestreet ang ilang larawan mula sa kanilang espesyal na araw. Kasabay nito ay bumuhos ang pagbati mula sa kanyang mga kasamahan sa industriya, kabilang na ang mga dating co-stars sa Modern Family.

Isa sa mga pinakaunang nagpaabot ng pagbati ay si Jesse Tyler Ferguson, na gumanap bilang Mitchell Pritchett — ang onscreen husband ni Stonestreet sa serye. “I love you both! I’m so happy for you!” ayon kay Ferguson sa kanyang mensahe.

Ang kasal nina Stonestreet at Schweitzer ay agad na ikinatuwa ng kanilang mga fans, lalo na ng mga tagahanga ng Modern Family, na tumakbo mula 2009 hanggang 2020 at nanalo ng maraming Emmy Awards.

Kilala si Stonestreet hindi lamang sa kanyang iconic comedic role kundi pati na rin sa kanyang pagiging bukas tungkol sa kanyang personal na buhay. Sa kabila ng pagiging pribado ng kanilang relasyon, ang kasal nilang ito ay nagsilbing patunay ng kanilang matatag na pagmamahalan sa loob ng maraming taon. (Larawan: People.com / Google)