Preserved body ng sikat na elepanteng si Mali, ililipat na sa National Museum
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-09-10 22:30:28
MANILA — Isang bagong atraksiyon ang naghihintay sa mga bisita ng National Museum matapos ideklara ni Mayor Isko Moreno na ililipat na ang minahal na elepante, si Mali, mula sa Manila Zoo patungo sa kanyang bagong tahanan sa museo.
Sa pagbisita ni National Museum Director General Jeremy Barns, ipinaliwanag ni Mayor Isko ang kanyang desisyon, na nakatuon sa mas maayos na pangangalaga kay Mali. “Mas panatag ako na doon mapangangalagaan nang maayos si Mali dahil limitado ang kakayahan at resources ng city government para rito,” aniya.
Dagdag pa ng alkalde, “We have a very good museum, bigay ko na sa 'yo si Mali. Tutal and'un si Lolong, then you have Mali. Then we can immortalize the memories of the oldies today who had very good experiences with Mali in their younger years — na they can still see Mali in a controlled environment, well protected by our scientists and preservationists.”
Ang paglilipat kay Mali ay inaasahang magbibigay ng mas maayos na tirahan para sa elepante, habang nagiging bahagi rin ng educational at conservation efforts ng museo. Sa kanyang bagong tahanan, makakasama ni Mali si Lolong, ang kinilalang pinakamalaking saltwater crocodile sa captivity ayon sa Guinness World Records, na dating naging pang-akit sa museo.
Ayon sa mga eksperto, ang ganitong hakbang ay mahalaga upang mapanatili ang kanilang mga labi, pati na rin upang maipasa ang kanilang kwento at kontribusyon sa wildlife conservation sa mga susunod na henerasyon. (Larawan: Wikipedia / Google)