Diskurso PH
Translate the website into your language:

Alex Gonzaga, balik natural look matapos ipatanggal ang rhinoplasty implant

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-09-14 21:31:43 Alex Gonzaga, balik natural look matapos ipatanggal ang rhinoplasty implant

MANILA — Ipinahayag ng TV host at content creator na si Alex Gonzaga na ipinatanggal na niya ang Gore-Tex implant sa kanyang ilong matapos makaranas ng pamumula, ayon sa bago niyang vlog na inilabas nitong linggo.


“Pinatanggal ko na ‘yung Gore-Tex ko. Back to Asian face tayo but hindi sa factory setting,” ani Gonzaga sa kanyang video. Dagdag pa niya, napansin niyang namumula ang kanyang ilong, dahilan para magpasya siyang alisin ang implant at bumalik sa mas natural na anyo.


Ang Gore-Tex ay isang uri ng implant na karaniwang ginagamit sa rhinoplasty procedures upang baguhin ang hugis ng ilong. Matatandaang noong nakaraang taon ay inamin ni Gonzaga na sumailalim siya sa nose job sa Belo Medical Group, bagay na pinag-isipan niya nang matagal bago gawin.


Ngunit sa kanyang bagong vlog, sinabi ng vlogger-actress na mas pinili niyang ipatanggal ito para maiwasan ang patuloy na pamumula at para maging mas komportable siya sa kanyang itsura.


Samantala, umani ng halo-halong reaksyon mula sa netizens ang kanyang desisyon. May mga pumuri sa pagiging tapat niya at sa pagpapahalaga sa kalusugan, habang ang iba ay nagbigay ng opinyon sa kanyang pagbabago sa mukha.