Diskurso PH
Translate the website into your language:

Ji Chang-wook, balik-Pinas! Korean heartthrob, gustong mas madalas makita ang Pinoy fans

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-10-20 22:36:35 Ji Chang-wook, balik-Pinas! Korean heartthrob, gustong mas madalas makita ang Pinoy fans

Oktubre 20 2025 – Hindi man naging maganda ang panahon, hindi napigilan ng ulan at hangin ang init ng pagtanggap ng mga Pinoy fans kay K-drama heartthrob Ji Chang-wook, na muling bumisita sa bansa nitong Linggo, Oktubre 19, para sa 8th anniversary celebration ng isang Filipino wellness brand.


Sa ginanap na press conference, ibinahagi ng 38-year-old actor kung gaano siya ka-grateful sa pagmamahal ng kanyang mga tagahanga sa Pilipinas.


 “I’m very, very thankful for your unconditional love for me. I want to meet you guys more often,” ani Ji Chang-wook sa pamamagitan ng interpreter.


Dagdag pa niya, nakakagulat pa rin para sa kanya na makilala at mahalin ng mga fans mula sa ibang bansa.


“To actually be recognized and loved by our fans abroad, that fact itself is already amazing and surprising to me.”


Bilang pasasalamat, nangako ang Healer at The K2 actor na mas pagbubutihin pa niya ang kanyang craft bilang artista. Pinuri rin niya ang mga Pilipino bilang “very hospitable” at warm-hearted.


Bukod sa pakikipagkamay at pagpapakuha ng litrato sa media, game rin si Ji Chang-wook sa pakikipag-interact sa lahat ng dumalo.


Ngayong gabi, nakatakdang magperform si Ji Chang-wook sa “DOMIN8: Grand Anniversary Concert” na gaganapin sa Mall of Asia Arena. Kasama niyang magtatanghal ang K-pop boy group NTX, at ang nation’s girl group na BINI.

Hindi lang ‘yan—sasabay rin sa kasiyahan sina Marian Rivera, Shuvee Etrata, at Charlie Fleming.


Isa pang highlight ng kanyang pagbisita ay ang fan moment niya kasama si Megastar Sharon Cuneta, na nagbahagi ng kanilang larawan sa Instagram.

 “So happy and honored to have met you! Thank you so much for being so nice and kind,” caption ni Sharon.


Matatandaang unang bumisita si Ji Chang-wook sa bansa noong 2022 at muling nakipagkita sa mga fans noong nakaraang taon.


Kilala si Ji Chang-wook sa mga hit dramas na “Empress Ki,” “The K2,” “Healer,” “The Sound of Magic,” at “The Worst of Evil.”

Rain or shine, Ji Chang-wook fever pa rin sa Pilipinas!