Matteo Guidicelli, handa na maging tatay: 'Greatest mission is being a husband, second greatest mission is trying to be a father.'
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-10-20 16:16:27
Oktubre 20, 2025 – Tila mas lalo pang tumitibay ang samahan nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo—hindi lang sa pag-ibig, kundi pati na rin sa mga pangarap na magkasamang binubuo nila bilang mag-asawa.
Sa isang interview kamakailan, ibinahagi ni Matteo kung gaano kalalim ang suporta nila sa isa’t isa—hindi lang sa harap ng kamera kundi pati sa likod nito.
“We support each other not just on cam but also behind the camera, that’s why we created our own production company, our own studio, our own music label, so Sarah can own all her music and all her content,” ani Matteo.
Ayon sa aktor, malaking inspirasyon sa kanya ang kanyang ama pagdating sa pagiging lider at negosyante.
“My leader and my mentor is my father talaga… I always refer to him on how I lead my employees, my companies kumbaga,” dagdag pa niya.
Ngunit higit sa anumang tagumpay sa negosyo o showbiz, may isa pang misyon na mas hinahangad ni Matteo—ang maging ama. ❤️
“Greatest mission is being a husband. Second greatest mission is trying to be a father,” ani Matteo nang tanungin tungkol sa kanyang personal goals.
Matatandaang noong Setyembre, ipinagdiwang ng mag-asawa ang kanilang 12th anniversary bilang couple. Sa social media post ni Matteo, muling ipinahayag nito ang kanyang pagmamahal kay Sarah:
“12 years and 1 day to forever with you, my love. Life isn’t perfect, but with God’s grace it’s beautiful… Each day I strive to be a better husband to you.”