Diskurso PH
Translate the website into your language:

Josh ng Blackman Family, nag-flex ng bagong pag-ibig

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-10-20 22:48:54 Josh ng Blackman Family, nag-flex ng bagong pag-ibig

Oktubre 20, 2025 – Tila bagong simula na nga ang hinaharap ni Josh Blackman ng The Blackman Family, matapos niyang ipasilip sa publiko ang kanyang bagong inspirasyon sa buhay. Sa kanyang mga recent social media posts, makikitang masaya at blooming si Josh habang kasama ang isang babae na agad nagdulot ng kilig at intriga sa mga netizens.


Matatandaan na si Josh ay nakilala bilang haligi ng sikat na Blackman Family, isang content creator family na sumikat sa social media dahil sa kanilang masayang videos tungkol sa pamilya, kultura, at pagmamahalan. Siya ay kasal noon kay Jeraldine Blackman, isang Filipina na nakilala niya sa online dating site noong 2014. Naging magkaibigan muna sila bago tuluyang nahulog sa isa’t isa, at noong 2017 ay nagpakasal sila sa Australia.


Mula noon ay unti-unti silang nakilala online, at kalaunan ay binuo ang The Blackman Family kasama ang kanilang mga anak na sina Jette at Nimo. Sa loob ng ilang taon, naging paborito sila ng maraming netizens dahil sa kanilang wholesome content at natural na chemistry bilang mag-asawa. Madalas silang magbahagi ng mga vlog tungkol sa kanilang araw-araw na buhay, parenting journey, at mga cultural differences na nagbibigay-inspirasyon sa marami.


Ngunit sa kabila ng masasayang sandali, dumaan din sila sa mga pagsubok. Noong Pebrero 2025, ikinagulat ng publiko ang anunsyo ni Jeraldine sa Instagram na hiwalay na sila ni Josh. Ayon sa kanyang pahayag, “Josh and I have separated. We’re good friends, and he’s the best father our kids could ever have.”


Dahil sa kanilang pagiging public figures, maraming haka-haka ang lumabas tungkol sa dahilan ng kanilang hiwalayan. Lumaganap pa ang mga tsismis tungkol sa umano’y third party, ngunit agad itong pinabulaanan ni Jeraldine noong Setyembre sa kanyang post na nagsasabing, “No one cheated in our marriage. We are peacefully co-parenting.”


Matapos ang ilang buwan ng pananahimik, heto na nga at tila handa na si Josh na muling buksan ang kanyang puso. Sa mga bagong larawan at videos niya online, kitang-kita ang saya sa kanyang mga mata habang kasama ang isang bagong babae. Bagama’t hindi pa niya tuwirang ipinapakilala kung sino ito, marami sa mga fans ang nakapansin ng sweet chemistry nila at nagsabing bagay na bagay sila.


Marami rin ang nagpaabot ng suporta kay Josh, na ngayon ay mas kalmado, positibo, at tila mas nakatuon sa pagiging ama at sa kanyang sariling kaligayahan. Samantala, si Jeraldine ay patuloy na aktibo sa social media, kung saan ibinabahagi niya ang kanyang mga self-love at motherhood contents.


Sa kabila ng hiwalayan, kapansin-pansin na nananatiling maayos ang kanilang relasyon bilang magulang sa kanilang mga anak. Pareho nilang pinapatunayan na posible ang mature separation—isang relasyon na puno pa rin ng respeto at malasakit para sa pamilya.


At ngayon, habang unti-unti nang nagbubukas ng bagong kabanata si Josh, tila mas maraming netizens ang naniniwalang totoo nga ang kasabihan na:

 “Love doesn’t end, it just changes form — minsan, bumabalik sa sarili mo; minsan, sa bagong tao na magpapasaya ulit sa’yo.” ????