Kris Aquino may cryptic birthday message kay Bea Alonzo
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-10-20 23:17:22
Oktubre 20, 2025 – Nagpa-buzz sa social media ang birthday greeting ni Kris Aquino para sa Kapuso actress na si Bea Alonzo matapos nitong mag-iwan ng cryptic message na tila may hint sa isang espesyal na kaganapan sa 3 and a half months — o sa Enero 2026.
Sa comment section ng post ni Bea noong October 17, 2025, sinabi ni Kris:
“Happy Birthday! My nephew is a close friend of the one you’re getting to know—your greetings reached me—thank you Bey… You are as beautiful as ever. Hoping to see you in 3 & a half months.”
Agad namang nag-react ang mga netizens. Marami ang curious kung ano ang tinutukoy ni Kris, at hindi maiwasang i-speculate na baka ito ay tungkol sa kasal nina Bea at boyfriend niyang si Vincent Co. Isang fan ang nagkomento:
“@krisaquino That’s a good day to get married — January 18!”
Hindi rin pinalampas ng iba ang pagkakataon para magpasalamat kay Kris sa kanyang pagbati:
“Thank you for loving Bea mula noon hanggang ngayon, we love you, Ms. Kris! Our prayers are up for you!”
Matatandaan na lumabas ang mga engagement rumors nina Bea at Vincent matapos silang makitang magkasama sa ilang private gatherings. Ngunit nilinaw ni Bea sa 24 Oras:
“Alam mo, nauunahan pa ng lahat ng mga tao yung mga pangyayari sa buhay ko. I have nothing to clarify and I want to keep things private… there’s nothing to say actually.”
Aminado naman siyang masaya sa kanyang kasalukuyang relasyon: “I’m very happy. Yes.”
Ayon sa fans, posibleng reunion o special event ang tinutukoy ng mensahe ni Kris. Kilala ang Queen of All Media sa kanyang pagiging prangka at mapagmahal sa kaibigan, kaya hindi rin malayong may sweet surprise itong inihahanda para kay Bea.
Hanggang ngayon, nananatiling palaisipan kung ano nga ba ang “3 and a half months” na binanggit ni Kris — pero isang bagay ang malinaw: parehong masaya at pinahahalagahan nina Kris at Bea ang kani-kanilang buhay ngayon.