Diskurso PH
Translate the website into your language:

‘Lost for 130 years’: Pambihirang halaman, natagpuan sa Masungi Georeserve

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-10-23 09:37:56 ‘Lost for 130 years’: Pambihirang halaman, natagpuan sa Masungi Georeserve

BARAS, Rizal — Isang pambihirang tagumpay sa larangan ng botaniya ang naitala matapos muling matuklasan ang Exacum loheri (H. Hara) Klack., isang uri ng halaman na huling naitala noong 1895, sa Masungi Georeserve sa Baras at Tanay, Rizal.

Ayon sa pag-aaral na inilathala sa Philippine Journal of Science, ang rediscovery ay isinagawa ng mga siyentipiko mula sa University of the Philippines Diliman at Philippine Normal University sa gitna ng isang malacological (snail) survey sa tinatawag na “600 Steps” area ng Masungi.

Ang Exacum loheri ay unang nakolekta ng Swiss botanist na si August Loher noong 1895. Mula noon, ito ay nawala sa mga tala ng agham hanggang sa muling matagpuan ngayong taon. Ayon sa mga mananaliksik, “Considering its restricted distribution, this species is presumed to be extremely rare and probably threatened at present”.

Bukod sa pagiging bihira, kahanga-hanga rin ang katangian ng halaman: ito ay achlorophyllous o walang chlorophyll, kaya’t hindi ito nakakapag-photosynthesize. Sa halip, ito ay mycoheterotrophic, ibig sabihin ay umaasa ito sa fungi para sa nutrisyon.

Ito ang unang beses na nakuhanan ng litrato ang Exacum loheri sa natural nitong tirahan, na nagbibigay ng mahalagang dokumentasyon para sa konserbasyon at karagdagang pag-aaral sa biodiversity ng Pilipinas.

Larawan mula kay: Jayson A. Mansibang