Diskurso PH
Translate the website into your language:

Anjo Yllana, may pasabog laban kina Allan K at James Yap: 'Na-booking daw?'

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-11-12 23:45:06 Anjo Yllana, may pasabog laban kina Allan K at James Yap: 'Na-booking daw?'

Nobyembre 12, 2025 – Nag-viral ngayon sa social media ang kontrobersyal na pahayag ng aktor-komedyanteng si Anjo Yllana matapos niyang ibunyag ang diumano’y lihim ng dating “Eat Bulaga” co-host na si Allan K, pati na rin ang pagkakasangkot umano rito ni James Yap.

Sa isang video na ibinahagi ni Anjo sa kanyang TikTok, diretsahan nitong sinabi na mayroon siyang mga “pasabog” laban kay Allan K, matapos umanong komentan ng huli na huwag na siyang pumasok sa politika.

“Tapos ka na magsalita, ako naman ngayon,” ani Anjo.

Masamang loob kay Allan K

Ayon kay Anjo, nagsimula umano ang tampo niya kay Allan K nang ibenta raw nito sa kanya ang Lincoln Navigator na nagkakahalaga ng ₱2.6 milyon.

 “Hindi ko alam, sira pala. Umabot ako ng halos ₱900,000 sa pagpapaayos, tapos naibenta ko lang ng isang milyon. Kaya sabi ko, masamang ugaling baklita pala ‘to,” pagbubunyag pa niya.

Simula noon, aniya, ay lumayo na siya kay Allan K.

‘Mayabang’ at mahilig magkuwento?

Hindi lang daw ito ang dahilan ng inis ni Anjo. Ayon pa sa kanya, mayabang umano si Allan K at madalas ipagyabang ang mga “booking” raw nitong basketball players.

 “Sabi niya, lahat daw ng amateur basketball players, nabu-booking niya. Bibigyan lang daw ng rubber shoes, tapos inuuwi na,” ani Anjo.

Ang matindi pa, ikinuwento raw ni Anjo na minsan ay ipinagyabang ni Allan K na kasama raw sa mga nakarelasyon niya noon si James Yap, na ngayon ay isang konsehal sa San Juan City.

“May nagtanong kung kasama si James Yap. Tumawa lang siya tapos umamin na dinala raw niya si James sa bahay niya sa Tandang Sora, binigyan ng rubber shoes… at ayun, na-booking daw,” saad pa ng komedyante.

“Dapat hindi na pinagyayabang”

Bagama’t hindi malinaw kung totoo nga ang mga sinabi ni Allan K ayon kay Anjo, sinabi nitong hindi na dapat pinagyayabang ang ganoong mga bagay.

 “Mr. Councilor James Yap, galing kay Allan K ‘yan. Siya ang nagkuwento. Hindi ko alam kung nagyayabang lang siya, pero dapat ‘di na ‘yan ikinukuwento. Sapatos lang daw katapat mo noon,” dagdag pa ng aktor.

“Abangan sa susunod na kabanata”

Bago tinapos ang video, nagbitiw pa ng matapang na pahayag si Anjo:

 “Sige Allan K, banatan mo ako kung gusto mo. Baka may alam pa ako sa ‘yo. Abangan sa susunod na kabanata.”

Sa ngayon, wala pang pahayag sina Allan K at James Yap hinggil sa mga paratang ni Anjo Yllana.

Larawan: Google