Diskurso PH
Translate the website into your language:

Pokwang, umatras sa ‘TiktoClock’—may hininging dagdag, pero… ‘Ako nga talaga ang nasa blind item!’

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-11-14 20:47:06 Pokwang, umatras sa ‘TiktoClock’—may hininging dagdag, pero… ‘Ako nga talaga ang nasa blind item!’

Nobyembre 14, 2025 – Hindi na nga nag-renew si Pokwang sa hit Kapuso daily show na TiktoClock—at yes, mga besh, mismong si Pokie ang nag-confirm na siya ang bida sa kumalat na blind item tungkol sa isang komedyana na aalis sa programa at papalitan umano ng isang dramatic actress.

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz para sa Showbiz Update vlog, very honest si Pokwang habang nasa Edmonton, Canada para sa screening ng pelikula niyang How To Get Away From My Toxic Family. Sabi niya, “Given na given ang clues… ako talaga ‘yun!”

‘Hindi ako tinanggal, hindi na ako pumirma’

Lilinawin daw niya: hindi siya sinibak ng show. Every three months ang renewal ng kontrata, at dapat October to December ulit siya pipirma. Pero this time, siya na mismo ang nag-decide na ‘wag nang mag-renew.

May konting request kasi siya sa management.

Sabi niya: “Konti lang naman ang hiningi natin… tumataas ang bilihin, pati suweldo ng mga kasama ko, yearly ko ring ini-increase.”

At kung ang tanong ay talent fee increase—oo, humingi siya.

Normal lang daw ‘yon, lalo na’t apat na taon na siyang pioneer ng show kasama si Kuya Kim Atienza.

May konting tampo sa blind item? Aminado siyang medyo may kurot sa dibdib nang i-blind item pa ang issue kahit tahimik naman daw siyang umalis.

“Sana tinahimik na lang,” wika niya, pero mabilis ding nilinaw na hindi siya ungrateful—marami raw talagang nangangailangan ng trabaho.

Gusto raw din niyang humanap ng mas bagay sa pamilya niya, lalo na’t grade 1 pa lang ang bunsong si Malia at mahal talaga ang pag-aaral ngayon.

‘Masakit umalis, pero life goes on’

Hindi naitago ni Pokwang ang lungkot sa pag-alis dahil sila raw ni Kuya Kim ang OG hosts ng show.

“Pamilya ko sila,” aniya habang isa-isang binanggit ang cast at staff.

Pero, sabi niya, kailangan na niyang mag-move forward.

Hindi raw pasabog ang hinihingi niya—maliit lang.

At 21 years na siya sa industriya, never naman daw siyang humirit nang sobra.

Tutok muna sa negosyo—malakas daw lalo ngayong Pasko! Isa pang big reason kaya siya nag-step back:

lumalakas daw ang gourmet food business nila, at ngayong holiday season, grabe raw ang orders, lalo na mula sa mga kababayan sa Amerika na gustong mag-distribute.

Sayang naman daw kung hindi niya mabibigyan ng full attention.

May kontrata pa sa GMA. May existing contract pa siya sa Kapuso network, at inulit niya na normal lang ang humiling ng increase.

“Iharap n’yo nga sa’kin ang artista na hindi nanghihingi ng increase,” biro niya.

At bagama’t baka may tampuhan daw sa management, tanggap niya kung ano man ang magigingreaction—change is part of life, ika niya.