Diskurso PH
Translate the website into your language:

Ellen Adarna nagpasabog: ipinakita ang umano’y cheating receipts ni Derek Ramsay — 'Nanahimik ka na lang sana!'

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-11-17 22:25:17 Ellen Adarna nagpasabog: ipinakita ang umano’y cheating receipts ni Derek Ramsay — 'Nanahimik ka na lang sana!'

Nobyembre 17, 2025 – Nagliyab ang social media nitong Nobyembre 17 matapos maglabas si Ellen Adarna ng sunod-sunod na screenshots at videos na umano’y ebidensiya ng “cheating” ng mister niyang si Derek Ramsay—at ayon sa aktres, nangyari raw ito noong 2021 pa, siyam na araw lamang matapos maging opisyal silang mag-jowa.

Nagsimula ang “pasabog” dahil sa post ni Derek? Ayon kay Ellen, na-trigger daw siya matapos magbahagi si Derek ng isang Instagram Story tungkol sa marriage. Sa halip na manahimik, naglabas siya ng serye ng IG stories na naglalaman ng screenshots na umano’y nag-uugnay kay Derek sa isang babae noong bago pa lamang ang kanilang relasyon.

“The audacity… Wow. Victim. Wow. Sympathy fishing. #manchild,” saad ni Ellen sa isa sa kaniyang maanghang na caption.

Mga ‘resibo’: may ka-text umano si Derek noong mag-on na sila. Sa mga larawan na ibinahagi ni Ellen, makikita umano ang palitan ng mensahe ni Derek at isang babaeng tumatayong “side chick.” Giit ni Ellen, nangyari raw ito noong Pebrero 9, 2021—mismong araw daw na opisyal na silang naging magkasintahan.

Hindi pinangalanan ni Ellen ang babae, pero sinabi niyang matagal nang kaibigan ni Derek ang naturang tao.

 “As much as I want to reveal who this girl is, my lawyers advised me not to… she is not an ex-girlfriend. I think she’s a side chick. She’s always been there.”

Kumalat ang isyu dahil sa kawalan ng presensya ni Derek

Nagsimula ang espekulasyon tungkol sa estado ng relasyon ng dalawa matapos mapansin ng netizens na hindi umano dumalo si Derek sa birthday celebration ng kanilang anak.

Depensa ni Ellen: may imbitasyon daw na ipinadala pero hindi nagpunta si Derek.

Kasunod nito, kumalat ang isyung nag-unfollow at tinanggal ni Ellen ang apelyido ni Derek sa social media—na lalo pang nagpainit sa tsika.

Mas marami pa raw ilalabas si Ellen. Sa isang IG story, binalaan ni Ellen na hindi pa rito nagtatapos ang kaniyang rebelasyon:

“Nanahimik ka na lang sana… because I’ve got receipts. This is just the beginning.”

Dagdag pa niya, tatlong linggo pa lang niyang nalaman ang tungkol sa screenshots matapos isiwalat ng isang kaibigan ang impormasyon.

Tahimik pa rin si Derek. Sa ngayon, wala pang anumang pahayag si Derek Ramsay hinggil sa mabibigat na akusasyon.

Bukas umano si Ellen na magsiwalat pa sa “right time and proper forum”—na lalo pang nagpainit sa mga netizen na sabik malaman ang buong kuwento.

Hanggang ngayon, tikom ang bibig ni Derek—at nakatutok naman ang publiko kung ano ang susunod na kabanata ng kontrobersyal na isyung ito.