Minura na, binantaan pang barilin si Kim Chiu — Star Magic nagbabala: 'Di namin palalampasin ‘to!'
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-11-17 22:34:27
Nobyembre 17, 2025 – Nagngingitngit ngayon ang Star Magic matapos makatanggap ng matinding death threat si Kapamilya star at It’s Showtime host Kim Chiu mula sa isang basher na talaga namang sobra kung mang-upak.
Ibinunyag ng Star Magic ang screenshot ng komento ng basher kung saan minumura si Kim at garapalan pang humihingi ng address para umano’y barilin siya.
Isa sa nakasulat sa mensahe ng basher:
“Give me an address pussy… you want to die… give me your address para mabaril kita.”
Hindi pa malinaw kung ano ang pinanggagalingan ng sobrang galit ng basher kay Kimmy, pero para sa mga fans, malinaw na lampas na sa pangba-bash ang ginawa nito dahil buhay na ang pinag-uusapan.
Star Magic: “Handa kaming magsampa ng kaso”
Hindi pinalampas ng ABS-CBN talent arm ang pangyayari. Sa isang opisyal na pahayag, iginiit ng Star Magic na hindi nila kukunsintihin ang ganitong atake sa kanilang artists.
Ayon sa kanila:
“Star Magic does not tolerate threats, derogatory remarks, and other personal attacks made online against our artists. These acts have serious and damaging consequences and we will take legal action, if necessary.”
Klaro ang mensahe: Kung kailangan kasuhan, kakasuhan.
May history na si Kim sa pamamaril. Mas lalong nakakakilabot ang sitwasyon dahil hindi ito ang unang beses na nasangkot si Kim sa ganitong klase ng banta.
Noong 2020, habang papunta siya sa taping, pinagbabaril ang van na sinasakyan niya. Mabuti na lamang ay walang nasaktan—si Kim, ang driver, at ang personal assistant niya ay ligtas.
Dahil dito, mas binibigyang-prayoridad ngayon ng Star Magic ang seguridad ng aktres, lalo na’t malinaw na hindi basta-bastang pangba-bash ang natanggap niya.
Habang iniimbestigahan pa kung sino ang nasa likod ng mapanganib na komento, umaasa ang fans na agad itong maaksyunan para masigurong ligtas si Kim sa anumang posibleng panganib.
