Diskurso PH
Translate the website into your language:

Modelong si Ivan Cezar Ronquillo, natagpuang patay sa sariling tahanan; nag suicide?

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-11-19 13:04:01 Modelong si Ivan Cezar Ronquillo, natagpuang patay sa sariling tahanan; nag suicide?

MANILA — Kumpirmado ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagkamatay ni Ivan Cezar Ronquillo, 24-anyos na model at kasintahan ng pumanaw na freelance model na si Gina Lima. Natagpuan siyang walang malay sa loob ng kanilang tinitirhang bahay at pinaniniwalaang nagbigti.

Ayon kay Lt. Col. Jose Luis Aguirre, hepe ng La Loma Police Station, nakatanggap sila ng tawag Miyerkules ng umaga, Nobyembre 19, kaugnay ng insidente. Agad namang naisugod si Ronquillo sa Quezon City General Hospital, ngunit idineklara rin itong dead on arrival.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng QCPD, ngunit kinumpirma ng mga awtoridad na ang bahay na kinamatayan ni Ronquillo ay siya ring lokasyon kung saan natagpuang walang buhay si Gina Lima noong Nobyembre 16.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni PLTCOL Edison Ouano, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit, na base sa initial findings, walang indikasyon na sinaktan o binugbog si Lima bago ito mamatay.

Aniya, kapwa natagpuan sa kuwarto ang mga tableta at hinihinalang kush, habang “organized” umano ang silid, na nagpapakitang walang naganap na komosyon.

Lumabas din sa unang pagsusuri na cardiorespiratory distress ang dahilan ng pagkamatay ni Lima, bagay na mas pinatitibay ng video kung saan gumagamit siya ng nebulizer — isang footages na ibinahagi mismo ni Ronquillo ilang oras bago siya pumanaw.

Tinde ng online bashing, posibleng nakapag-ambag

Sa social media, ilang netizens ang naniniwalang nakaapekto nang husto kay Ronquillo ang matinding pambabash at mga paratang na siya ang umano’y may kinalaman sa pagkamatay ng nobya.

Naging viral ang mga post na nag-aakusa sa kanya ng pananakit, bagay na paulit-ulit namang itinanggi ng pamilya at ng mga awtoridad.

Sugatan matapos umano'y komprontasyon ng mga kaibigan ni Gina. Kinumpirma rin ni Ouano na mayroon silang hawak na video kung saan makikita ang kaguluhan sa ospital matapos sumugod doon ang ilang kaibigan ng yumaong modelo.

Ayon sa opisyal, nagkaroon ng komprontasyon at nakalmot si Ronquillo sa mukha.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang dalawang kapatid ni Lima, maging ang ama ni Ronquillo, maliban sa paggiit na wala umanong ginawang pananakit ang kanyang anak.

Huling mensahe bago ang pagpapakamatay. Ilang oras bago natagpuang wala nang buhay, muling ni-reactivate ni Ronquillo ang kanyang Facebook account matapos itong burahin noong lumaki ang kontrobersiya.

Ibinahagi niya ang mga larawan nila ni Gina at isang emosyonal na mensahe na nagpapahiwatig ng matinding pagdadalamhati at kagustuhang “sumunod” sa nobya.

Sa isa pang post, ipinakita rin niya ang kaniyang sugatang mukha at binanggit ang pangalan ng isang indibidwal na umano’y nanugod at nagpakalat ng maling impormasyon laban sa kanya.

Paalala sa publiko. Dahil sa magkasunod na insidente ng pagkamatay, muling nanawagan ang mga eksperto at opisyal na seryosong trato sa usaping mental health at huwag maliitin ang epekto ng cyberbullying at online harassment.